CHAPTER THIRTY-THREE
One night in an Amusement ParkCLEO
Hindi ko na alam kung ilang beses na akong muntikang mabangga mapa-poste man o tao. Nakayuko akong naglalakad kasabay sina Ethan at Zen dito sa Amusement Park habang nasa unahan naman namin si Nephora at Hugo na kung maka-hawak kamay e akala mo mag-jowa.
"Ano ba naman iyan, Cleo. Umayos ka nga sa paglalakad. Hindi na kita hihilahin kapag may poste o tao kang mababangga."
Napaangat ang tingin ko at pinanlisikan siya ng mata. Hindi naman talaga ako kasama rito kung hindi niya ako binlackmail na ipagkakalat ang picture ko habang natutulog, kung saan hindi talaga maganda ang hitsura ko roon.
Isa pa, naawa rin ako kay Zen dahil wala raw siyang kausap kapag hindi ako sumama. Sinabi ko namang kasama si Ethan kaya wala siyang problema pero umiling ito at sinabing masasapak niya lang si Ethan kapag sila lang dalawa.
Na-predict niya na rin sigurong magso-solo si Nephora at Hugo. Kaya heto ako ngayon at nagtitiis sa kakulitan ni Ethan na hindi matigil sa pang-aasar sa amin ni Zen.
Napalibot ako ng tingin at masiglang masiga ang paligid. Makulay ang bawat rides at sobrang daming tao kaya medyo nakakailang.
"Hay, ang saya naman dito!" tuwang tuwa na wika niya at inakbayan kami ni Zen. "Dapat subukan natin lahat ng rides ah!"
"Adik ka ba? Sa sobrang dami ng rides dito, malamang aabutin na tayo ng umaga." ani ni Zen bago hinampas ang braso ni Ethan.
Ang lakas ng loob niyang sabihing susubukan namin lahat ng rides dahil ride-all-you-can ang binili naming card kanina.
"Ano ba naman kayo? Kaya nga nandito tayo para mag-enjoy e. Ngumiti nga kayo!" utos pa nito bago nilabas ang isang polaroid camera at tinutok sa amin ni Zen.
"Saan mo nakuha 'yan?" nagtatakang tanong ni Zen habang nakatingin sa blue polaroid camera ni Ethan.
"Ito ang binili sa akin ni Dad imbes na aso at pusa." sagot pa ni Ethan. "Oh, ano na? Ngingiti kayo o ilalabas ko ang mga picture niyo--"
Pigil na pigil kaming dalawa ni Zen sa pagsabunot sa kaniya. Wala tuloy kaming magawa kung hindi akbayan ang isa't isa at pilit na ngumiti sa camera kapalit ng hindi niya pagkalat sa mga picture namin.
"Remind me to kill him later." wika ni Zen habang nakangiti.
"Oh sure."
"Mag-pose pa kayo. Peace sign! Wacky! Dalagang pilipina--" hindi ko na napigilan at pinaltok ko na siya ng rubber shoes na suot ko. Niloloko lang naman kami nito e.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AcciónThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...