Chapter Nine: Cakes and Cupcakes

1.3K 54 23
                                    

CHAPTER NINE
Cakes and Cupcakes

CLEO

Kinabukasan, nanatili kami ni Zen sa classroom habang hinihintay si Ethan at Hugo mula sa cafeteria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan, nanatili kami ni Zen sa classroom habang hinihintay si Ethan at Hugo mula sa cafeteria. Hindi na kami nag-abalang maghanap ng lugar dahil pareho kaming tinatamad maglakad.

"Zen, magkasama tayo. Bakit mo naman ako pinatay?" Tanong ko habang hinihintay na mag-respawn ang character ko sa nilalaro naming mobile game na Special Force Group.

"Hala, napatay ba kita? Hindi ko alam."

"Baka naka-on ang friendly fire mo?"

"Teka, titingnan ko."

Tumango naman ako habang patuloy na naglalaro. "I'll cover you."

"Naka-on nga ang friendly fire, Cleo. Sorry."

Tumawa na lang ako at inaya na siyang maglaro na kami ulit.

"Zen."

"Hmm?"

"May nangyari ba kagabi habang wala kami ni Ethan?" tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

Mula noong umalis siya kagabi ay hindi na kami mapakali ni Ethan lalo na noong makarinig kami ng pagbasag. Naghahanap lang kami ng tyempo para payagan ni Dad na pumasok sa mansion at laking pasasalamat namin dahil may importante raw silang pag-uusapan ni Mr. Rodriguez.

Ramdam kong natigilan siya kaya napalingon ako sa direksyon niya. "Hindi na muna kita kukulitin. Pero sana mai-kwento mo rin sa amin iyan one of these days."

Nagpakawala ito ng malakas na buntong-hininga saka pinatay ang phone niya at nilapag ito sa mesa. Akala ko'y magsasalita na siya ngunit nagpahalumbaba lamang ito habang nakatingin sa kawalan.

"Masakit pa ba ang sugat mo?"

Humarap naman ito sa akin at bahagyang ngumiti. "Hindi na. Ginalingan niyo ni Ethan sa pag gamot eh."

"Nilinisan mo ba ulit kanina?"

"Oo."

"Mabuti naman."

Akmang magpahalumbaba na sana siya ulit nang matigilan ito.

"Nga pala, Cleo. Samahan mo ako sa rooftop mamaya ah."

"Sige."

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakabalik na rin si Hugo at Ethan. Nakapagtataka dahil parehong malapad ang mga ngiti nila habang may bitbit na baunan.

"Bakit may baunan na kayo?" tanong ko pagkaupo pa lang nila sa harap namin ni Zen.

"Ito ba? Bigay 'to ni Nephora." sagot ni Ethan na tinanguan ko na lang.

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon