CHAPTER SEVEN
Dinner with the Rodriguez (Part One)CLEO
"Oh ano? Makikipag-away pa kayo? Sagot!" mula sa kusina ay dinig ko ang panenermon ni Zen habang isa-isa nitong ginagamot ang galos nina Hugo at Ethan.
Bitbit ang tray na may juice at brownies, dumiretso ako sa sala at naabutang dinidiinan ni Zen ang ice pack sa pisngi ni Hugo na ngayo'y dumadaing sa sakit.
"Hindi kayo sasagot?"
"H-Hindi na kami masasangkot sa gulo!" mabilis na sagot ni Hugo habang papikit-pikit tuwing ilalapat ni Zen ang ice pack sa pisngi niya.
"Ikaw, Ethan? Makikipag-away ka pa? Ayan, putok ang labi mo ngayon!" inabot ni Zen ang ointment mula sa first aid kit at agad nilagyan ang labi ni Ethan.
"H-Hindi na!"
"Sabi ko naman sa inyo---"
"Akala ko ba tapos ka na sa panenermon sa kanila, 'nay?" biro ko bago kumagat ng brownies.
Humalukipkip na lamang si Zen at tinapunan ako ng tingin. Pinigilan ko na lamang ang tawa dahil paniguradong masesermunan niya rin ako.
"Nga pala." sambit ko nang may maalala ako. "Paano niyo nalamang nandoon kami sa likod ng abandonadong building?"
"Ah, iyon ba? Tinext kami ni Zen na dumiretso rito once na marinig namin ang fire alarm." sagot ni Ethan habang dahan-dahang ngumunguya.
Tumango naman ako. Mukhang iyon ang dahilan kung bakit hinablot na lang ni Zen ang phone sa akin.
"Nanigurado na yata si Zen dahil nag-send pa ng bomb threat sa Guidance Officer." dagdag ni Hugo habang tumatawa.
"Effective naman dahil ni-release niya kami agad at nagpatawag ng bomb quad para ma-inspect ang university." ani Ethan.
"Kaya mo ba binali ang sim card ko?" baling ko may Zen na mabilis namang tumango.
"Nako naman. Huwag mo na ulit gagawin iyon, Zen. Paano kung mahuli tayo?"
"Oo na. Wala lang akong choice kanina kasi iyon na lang ang paraan na naiisip ko. Alangan namang papuntahin natin si Dad para lang mapalabas itong dalawa? Busy si Dad sa company kaya kung maaari, huwag natin siyang istorbohin."
"Mabuti at walang nakakita sa inyo noong pinindot niyo ang fire alarm? May mga CCTV kaya sa bawat palapag."
Pagkasabi no'n ni Hugo ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Nakalimutan kong may mga CCTV pa lang nagkalat sa loob ng campus kaya malamang kitang kita kami ni Zen doon!
"Namutla ka, Cleo? Huwag kang mag-alala, hindi gumagana ang mga CCTV." confident na sagot ni Zen habang prente itong nakaupo.
"Paano ka nakasisiguro?"
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AkcjaThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...