CHAPTER THIRTY-FOUR
A Scar from the PastETHAN
Tuwang tuwa at halos hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Cleo habang ngumunguya ng siomai. Sumusulyap pa ito kay Zen at Nephora na kasalukuyang natutulog. Napag-alaman naming may pampatulog pala sa panyo na binigay niya sa amin kanina.
"Oh? Bakit 'di pa kayo kumakain? Nahihiya pa ba kayo sa akin? Nako ha." pang-aasar pa niya nang mapansin niyang hindi namin ginagalaw ni Hugo ang pagkain namin.
"Bakit kasi kailangan mo pa silang patulugin?" tanong ni Hugo.
"Kasi, hindi sila matitigil kung hindi sila patutulugin." simpleng sagot ni Cleo bago muling sumubo ng siomai.
"Huwag kang mag-alala, magigising na rin sila."
As if on cue, napamulat si Zen na nakasandal ang ulo sa balikat ko at napakusot pa siya ng mata bago umayos ng upo.
"Anong nangyari?" nagtatakang tanong niya sa amin.
Ngumiti lang si Cleo at inaya na siyang kumain. Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha ni Zen ngunit hindi niya na iyon pinansin at kumain na lang. Kumain na lang din ako dahil kanina pa ako nagugutom.
"Bakit hindi pa nagigising si Nephora?" nag-aalalang tanong ni Hugo at hinawi ang iilang strand ng buhok ni Nephora na humaharang sa mukha niya.
"Hindi niya siguro kinaya ang amoy." natatawang tugon pa ni Cleo kaya sinamaan siya ng tingin ni Hugo. "Don't give me that look, Hugong. Hindi ako mapipilitang patulugin sila kung hindi mo binitawan si Nephora."
Hindi na kumibo si Hugo at sumubo na lang ng kanin. Patapos na kami nang magising si Nephora at gaya ni Zen ay nagtanong din siya kung ano ba ang nangyari.
"Kumain ka na, Nephora." pag-iiba ni Cleo sa usapan kasabay ng pagsilay ng matamis na ngiti sa labi niya.
Tumango lang si Nephora at inabot ang kutsara't tinidor. Napatingin naman ako kay Cleo bago ko ito sinipa mula sa ilalim ng mesa. Mabuti na lang ay hindi ko nasagi si Zen dahil nasa gitna namin siya ni Cleo habang nasa tapat naman namin si Nephora at Hugo.
"What?" she mouthed.
Walang sali-salitang inabot ko ang tissue sa kaniya. Mukhang nakuha niya naman ang nais kong sabihin dahil pinunasan niya na ang bibig niya na may bahid ng toyomansi.
"Look, wala akong oras para patulan ka kaya kung ayaw mong mabalian, manahimik ka diyan at kumain ka na lang dahil kapag hindi ako nakapigil, ipapalamon ko sa'yo ang mga pagkain hanggang sa mabulunan ka."
Nabaling ang atensyon namin kay Zen na ngayo'y matalim na namang nakatingin kay Nephora.
Halos magulo ko na ang buhok ko dahil mukhang magsisimula na naman sila. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana kami sumama at hinayaan 'tong feeling mag jowa na mag-date.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
БоевикThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...