CHAPTER TWO
JournalCLEO
Nagising ako dahil sa mahihinang katok sa pintuan. Unti-unti kong minulat ang mga mata at lumingon sa digital clock.
8:30 na pala.
"Cleo, kakain na." dinig kong saad ni Hugo mula sa labas.
"Susunod ako."
Dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang mga mata bago nag-unat. Dumiretso ako sa CR para maligo at mag-ayos saka ako lumabas ng kwarto.
Halos magkasabay kaming lumabas ni Zen sa kwarto. Kahit bagong ligo ay bakas sa mata niya na kulang din siya sa tulog.
"Good morning." bati ko na sinuklian niya naman ng ngiti.
"Mukhang hindi ka rin nakatulog agad ah."
"Oo. Paano ba naman kasi, sampung taon din ang lumipas bago natin ulit sila nakita tapos hindi pa natin inaasahan." wika ko habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
"Ayun lang, ni hindi man lang tayo hinanap kay Dad. Hindi man lang tinanong si Dad kung kumusta tayo." mapakla niyang saad.
Sumilay ang sarkastikong ngiti sa labi niya. Siguradong nasaktan siya dahil hindi man lang kami hinanap ng mga magulang namin.
"Abot-kamay ko sila kahapon." dagdag niya na tila ba inaalala ang pag-uusap ni Dad at ng mga magulang namin kagabi. "Pero pinili kong hindi magpakita. Natatakot kasi ako na baka nakalimutan nila ako o ayaw pala nila ako makita. Isa pa, hindi nga nila ako hinanap."
Nakagat ko ang sariling labi at pinigilan ang sarili. Naalala ko ang hitsura ni Zen kagabi nang mag sink in sa amin na nandito ang mga magulang namin. Nanginginig ang kamao niya at pinipigilan ang sariling maluha. Makikita mo sa mata niya ang pangungulila.
Naabutan naming maganang kumakain ng almusal si Hugo, Ethan at Dad. Nang makita nila kami ay bumati sila at inaya kaming kumain.
Tahimik lamang kaming ngumunguya at ine-enjoy ang pagkain. Tanging kubyertos lamang ang lumilikha ng ingay. Nilibot ko ng tingin ang hapag-kainan. Unang dumapo ito kay Hugo na tuloy-tuloy lang sa pagsubo at hindi pinapansin ang paligid. Sunod ay kay Ethan na mukhang tapos na kumain dahil pinupunasan niya na ang bibig niya gamit ang table napkin. Napatingin ako kay Zen na halatang walang gana kumain ngunit pinipilit na lamang ang sarili dahil paniguradong magtatanong si Dad kapag hindi siya kumain.
Tumikhim si Dad dahilan para lumingon kami sa kaniya. Hinihintay namin siyang magsalita.
"Bumisita ang parents niyo rito kagabi."
Nakarinig ako ng pagbagsak ng kubyertos. Napalingon ako at nakitang nabitawan pala ito ni Hugo na ngayo'y gulat na gulat. Natigilan naman si Ethan habang wala namang reaksyon si Zen.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
БоевикThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...