Chapter Thirteen: Brother

1.2K 36 16
                                    

CHAPTER THIRTEEN
Brother

HUGO

Napalingon ako sa relo ko at nakitang mag-a-alas otso na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napalingon ako sa relo ko at nakitang mag-a-alas otso na. Any minute ay pupunta na siya rito sa park kasama ang yaya niya. Habang naghihintay, pinagmasdan ko muna ang mga bata na naglalaro kasama ang mga magulang nila. Bakas ang kasiyahan sa mga mata at ngiti sa kanilang mga labi. Hindi naman tirik na tirik ang araw dahil nakatago ito sa likod ng makakapal na ulap ngunit hindi rin naman nagbabadyang umulan.

In short, A perfect day for a family bonding.

Napabuntong hininga ako nang mapagtantong ni minsan ay naging katulad din ako nila. Naglalaro sa park at kasama ang mga magulang.

Napako ang tingin ko sa chocolate bar na hawak ko. Favorite ko 'to mula noong bata pa lang ako hanggang ngayon. Naalala ko pa na ito ang madalas binibili ni Mama at Papa tuwing nakaluwag-luwag kami mula sa mga utang.

"Kuya A! Kuya A!"

Bumalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ang pamilyar na boses. Inangat ko ang tingin at namataan siyang tumatakbo palapit sa akin. Nasa likod niya naman ang yaya niyang pilit siyang hinahabol.

Awtomatiko akong napangiti bago tinago sa likod ko ang chocolate bar. Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay ginulo ko ang buhok nito  na nagpatawa naman sa kaniya.

"Kuya, I got a star!"  tuwang tuwa na anunsyo niya bago umupo sa tabi ko.

"Talaga? Ang galing mo naman, Kace! Proud si Kuya A sa'yo!"

"Good Morning, Al!" bati sa akin ng yaya niyang mukhang nasa mid 30's.

"Magandang Umaga po, Aling Gina!" bati ko naman pabalik.

"Oh, paano ba iyan? Maiwan ko muna kayo ni Kace ha. Babalik lang ako kaagad." paalam niya saka kumaway sa amin.

Hinarap ko naman si Kace. Proud itong ngumiti saka kami nag-fist bump. Ngunit agad ding naglaho ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit?"

"Kuya, bakit ka po may mga ganiyan?" inosenteng tanong niya at hinawakan ang sugat ko sa mukha.

Pilit akong tumawa para hindi siya makahalata. "Wala lang iyan, Kace."

"I know that hurts a lot. Naalala niyo po ba noong tinulungan niyo po ako noong madapa ako? Mahapdi na po 'yong sugat ko sa tuhod. Paano na lang po kaya iyang sa mukha?"

Tanging ngiti lang ang naisagot ko. Bigla itong tumayo sa bench na pinag-uupuan namin at umaktong superman. "Don't worry, Kuya! Kapag malaki na ako, ako ang magtatanggol sa 'yo sa mga bad guys!"

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon