CHAPTER THIRTY-EIGHT
Blame the AlcoholCLEO
"Walang scratch, walang damage." sambit ni Ethan habang ine-examine namin ang kotse ni Dana. "Well, that's new." dagdag pa nito kaya sinamaan siya ng tingin ni Zen.
"Marunong pa rin naman akong mag-ingat." dipensa pa niya sa sarili.
"Oh yeah? Naalala mo noong mabangga mo ang Few-off Lamborghini ni Dad sa puno?" ngisi pa ni Ethan.
Nandito kami ngayon sa parking lot ng school para isauli ang kotse ni Dana bago kami didiretso sa hospital kung saan naka-confine si Raven. Nauna na si Hugo at Nephora roon habang kaming tatlo naman ay dumiretso rito sa school.
"Yup. One of the best! Hindi pa ako pinagalitan ni Dad no'n." nakangiting sagot ni Zen habang inaalala ang nangyari noong nag-racing kaming apat last year.
Madalang kasing daanan ng mga sasakyan ang lugar namin. Bukod sa mapuno, at walang katao-tao, e madalas may mga na-a-ambush daw doon kaya marami ang takot dumaan doon at halos kami ang may-ari ng kalsada. Pinayagan kami ni Dad na gamitin ang dalawang lamborghini niya kaya ang lakas ng loob no'ng dalawa na hamunin ang isa't isa. Partner kami ni Hugo habang mag-partner naman si Ethan at Zen. Nanalo sina Ethan, ayun nga lang, hindi namin alam ni Hugo na si Zen pala ang nagmaneho at nabangga nila ito sa puno pagkarating pa lang nila sa 'finish line.'
Surprisingly, hindi naman kami pinagalitan ni Dad. Kinuha niya lang ang gadgets namin noong araw na iyon at binalik lang din sa amin kinabukasan.
"Oh you're here na pala."
Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Dana kasama sina Ezekiel at Lucienne.
"Yes, thank you ulit sa pagpapahiram ng kotse, Dana."
Ngumiti naman siya bago nag-thumbs up. "Wala iyon, ano ka ba. Kumusta na si Raven?" tanong pa niya na nagpakunot ng noo ko.
"Paano mo nalamang kasama namin si Raven?" tanong ni Zen na ngayo'y nagtataka rin sa tinanong ni Dana.
Sa pagkakaalala ko, wala kaming sinabi na excuse kanina noong lumabas kami ng classroom. Dire-diretso pa nga kaming lumabas at hindi na nagpaalam kay Ms. Kristine.
"Hindi ba't niligtas niyo siya?"
Okay, this is weird. Paano niya naman nalaman na niligtas namin si Raven?
"W-What are you talking about? Paano naman namin ililigtas si Raven?" pagmaang-maangan pa ni Ethan.
"Ethan's right, Dana. Ano nga bang pinagsasabi mo? Paano naman nila ililigtas si Raven? They're just senior high school students. Malamang ang mga awtoridad ang lumigtas doon." inosenteng wika pa ni Lucienne.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AcciónThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...