Chapter Twenty-Four: Periculo

722 33 8
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR
Periculo

THIRD PERSON'S POV

"That was close pero nagawa ko naman."

Pinanood niya ang ina habang nilalaro nito ang wineglass sa kamay niya. May ngising nakapinta sa labi nito habang nagbabasa ng magazine.

"As expected from you, Pluto." nilapag nito ang wineglass sa center table bago nagsindi ng sigarilyo. "Keep up the good work. Where's Jupiter?"

Hindi niya na napigilang mapaubo nang bumuga ito ng usok. Kahit kailan talaga ay hindi nakikinig ang nanay niya sa kaniya kahit pa pinagbawalan niya na itong manigarilyo.

"Outer space." sarkastikong sagot niya dahilan para mapataas ng kilay ang kaniyang ina. "I mean, nasa labas. Nagpapahangin."

Bigla namang sumagi sa isipan niya ang balitang kumalat sa campus kanina. Tungkol iyon sa bngkay na natagpuan sa likod ng abandonadong building. Kahit na alam niyang malayong sangkot ang ina niya sa pagkamatay ng biktima ay tinanong niya pa rin ito.

"'Yong bangkay na natagpuan kanina." huminga ito nang malalim bago tinitigan ang ina. "Ikaw ba ang nagpautos no'n?"

"What do you mean?" napakunot ang noo nito saka tinapunan ng tingin ang anak. "Why would I order my men to do that? May business ba ako sa Lorem Academy? Wala naman 'di ba. Pake ko sa mga pangyayari doon? They can fvck themselves 'cause I don't give a sht about them. They're nothing but a garbage anyway. Ni hindi ko nga alam kung bakit mo piniling mag-aral sa eskwelahang iyan."

Hindi na nito napigilang mapairap matapos marinig ang tugon ng nanay niya. Isa lang ang tanong niya pero ang dami na nitong sinabi.

"'Yong sinasabi mong bangkay. Sa tingin mo ba, may kinalaman ang Serveren doon?" baling pa ng kaniyang ina sa kaniya. "Dylan's unpredictable, you know."

"I should be the one asking you that, Mom."

Kumibit-balikat na lang ang kaniyang ina at sumandal sa sofa. "Kayo lang naman ni Jupiter ang mga mata ko sa Lorem Academy. So, keep me updated. Walang kwenta kasi ang ama mo e. Ano pa't ang taas ng posisyon tapos wala namang ginawa bukod sa kabalastugan."

"Kung makapagsalita ka, pinakasalan mo rin naman."

Tinaasan lang siya nito ng kilay. "Basta, be careful. Siguraduhin niyong walang nakakahalata sa mga kilos niyo."

"Seryoso ka diyan? Malamang pinapakiramdaman lang din kami ng Peritissimus, Mom. Puro matatalino ang mga 'yon 'no."

"Hindi naman masama ang intensyon natin. In fact, tinutulungan natin sila."

CLEO

Saktong katatapos lang namin mag-discuss nang makarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Saktong katatapos lang namin mag-discuss nang makarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Bumukas naman ito at niluwa si Titus na naka-krus ang mga braso.

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon