Chapter Nineteen: Bunch of Weirdo

807 30 26
                                    

CHAPTER NINETEEN
Bunch of weirdo

ZENREE

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang muntikang mapasubsob ang mukha ko sa mesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang muntikang mapasubsob ang mukha ko sa mesa. Ilang oras lang ang tulog ko dahil inabot na kami ng umaga habang nagd-discuss ng mga impormasyon na nakalap namin. Idagdag mo pa ang prof na puro powerpoint lang at hindi man lang nag-e-explain, sino ang hindi aantukin 'di ba?

"Her name suits her well."

Nilingon ko si Ethan na nakaupo sa likod ko. Nakahalumbaba ito sa mesa niya habang pilit na nilalabanan ang antok.

"Si Ms. Deen Agtuturo?" patukoy ko pa sa prof naming nasa harapan at patuloy sa pagbabasa ng slide.

Mahina lang itong natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit nga?"

"Ulitin mo."  utos pa nito habang pinipigilan ang tawa.

Nababaliw na yata 'tong lalaking 'to.

"Ano'ng uulitin ko?"

"Iyong pangalan niya. Sabihin mo ulit."

Nagtataka man ay sinunod ko pa rin ang utos niya. "Ms. Deen Agtuturo."

"Bilisan mo."

"Ms. Deen Agtuturo."

Pagkasabi ko no'n ay natigilan ako. Saka ko lang na-realize ang sinasabi ni Ethan.

Deen Agtuturo
'Di Nagtuturo

Mukhang napansin ni Ethan ang hitsura ko kaya mas lalo itong natawa at ginulo ang buhok ko. Pinalo ko ang kamay nito at hindi ko na rin napigilan na matawa.

Her name suits her well nga talaga. 'Yong homework na binigay niya sa amin kahapon, hindi niya pa tinuturo tapos pinasagot niya ito sa board kanina nang hindi niya man lang pinapaliwanag kung paano nakuha ang final answer. Tinatanong siya ng mga kaklase namin ngunit ang tanging sagot niya lang ay, "Let's proceed to the next slide."

Nakarinig kami ng tikhim kaya natigilan kami ni Ethan. Nakita naming nakatingin na ang buong klase at si Ms. Deen sa direksyon namin. Bakas sa mukha nito na hindi siya natutuwa.

Oh well, 'di rin naman ako natutuwa sa kaniya.

"If you're not going to listen, feel free to leave the room." wika nito nang hindi inaalis ang tingin sa amin ni Ethan. "Hindi 'yong nag-e-explain ako rito tapos hindi naman kayo nakikinig. Pagkatapos, magtatanong kayo kasi hindi niyo naiintindihan. Paano niyo maiintindihan kung hindi kayo nakikinig?"

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon