Chapter Twenty-Eight: Don't lose hope

646 28 15
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT
Don't lose hope

THIRD PERSON'S POV

"You can't kill her!"

Hindi na napigilang mapasigaw si Dana nang makitang nakahandusay na ang waiter na kanina lang ay nagbigay pa ng drinks sa kanila.

Huli na ang lahat dahil tuluyan na itong nalagutan ng hininga.

"I just did." walang emosyong sagot ni Alice habang nakatitig sa malamig na bangkay ng babaeng naglason kay Cleo.

Noong matumba pa lang si Cleo ay agad na niyang sinundan ang babaeng 'yon na muntikan pang tumakas. Noong makita niya pa lang ito ay alam niya ng may balak 'yon na masama. Hinintay niyang makalayo sila sa hotel bago niya ito sinugod para hindi maalarma ang mga bisita.

"Bakit mo siya tinuluyan? Puwede ba natin siyang magamit para masagot ang mga nais nating malaman tungkol sa organization na kinabibilangan niya!"

"Huwag kang mag-alala, Dan. Hindi lang naman siya ang myembro ng org na iyon e. I bet sila pa mismo ang maglalapit ng sarili nila sa atin." kampanteng sagot ni Alice.

"Paano ka naman nakasisiguro?"

"Come to think of it, pinatay natin ang isa sa mga myembro nila at paniguradong hahanapin nila tayo dahil nagawa nating pumagitna sa pagitan nila at ng Serveren."

"Tapos?"

"Ibig sabihin, magpapadala sila ng mas maraming tauhan para patayin tayo."

"Bakit ang saya mo with the fact that they're now after our lives?"

"Kasi nga, mas mae-expose nila ang sarili nila sa atin. All we need to do now is to stay alive kahit na may mga banta na sa buhay natin."

"You're the weirdest, Alice."

"You're the slowest, Dana."

Umirap na lang si Dana at hindi pinansin ang pinsan niyang masyadong malakas mang-asar.

"How's she?" biglang tanong ni Alice.

Napayuko si Dana nang muling maalala ang hitsura ni Cleo noong pinasok ito sa ambulansya. Ang asul niyang cocktail dress ay nabahiran na ng dugo at namumutla ito.

"Sinugod na siya sa hospital." she sighed. "Dapat nakinig ako sa'yo. E 'di sana naiwasan nating mangyari 'yon."

Tinapik ni Alice ang likod ng pinsan. "Sa school lang naman ang sakop niyo e. Kaya huwag ka nang ma-guilty. Hindi naman ikaw ang naglason sa kaniya."

"They're my friends. Nasa school man o wala, dapat pino-protektahan pa rin namin sila."

"She'll be fine, trust me."

"Nakita mo rin ba 'yon sa panaginip mo?"

Umiling si Alice. "Hindi, pero hindi naman siya 'yong tipo na basta-basta susuko 'di ba?"

Hindi na napigilang mapangiti ni Dana. "Lahat sila, hindi basta-bastang sumusuko. Kaya bilib na bilib ako."

Nahawa na rin si Alice sa pinsan kaya napangiti na rin ito. "Para pa ba 'to sa task na binigay ni Tita sa'yo or you've grown to appreciate and love them too?"

"Siguro naman, hindi masamang magkaroon ng mga kaibigan bukod kay Lucy at Ezekiel." tanging sagot ni Dana.

"So, inaamin mo na ring kaibigan mo sila?"

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon