Chapter Thirty-One: The Expected Visitor

637 28 22
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading Peritissimus: The Mission. I really appreciate your votes and comments! *cries in morse code* Active or silent reader man, thank you so much! I love you all!

-C

CHAPTER THIRTY-ONE
The Expected Visitor

ZENREE

Halos apat na oras lang din ang tulog ko kaya naman noong yayain kami ni Ethan na umuwi ay tumanggi ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos apat na oras lang din ang tulog ko kaya naman noong yayain kami ni Ethan na umuwi ay tumanggi ako. Hindi ako makakatulog kapag bumyahe pa ako kaya minabuti kong magpaiwan at magbantay na lang kay Cleo.

"Huwag kayong mag-away ha. Baka mamaya, pagbalik namin may mga galos na kayo." biro pa ni Ethan kaya tinapunan ko ito ng matalim na tingin.

Pagsarado nila ng pinto ay agad akong humarap kay Hugo. Prente lang itong nakaupo sa sofa at nakapikit.

"Bakit ba hindi ka pa sumama sa kanila?"

"Kasi wala kang kasamang magbabantay kay Cleo."

"Kaya ko ang sarili ko. Mabuti pa at sumunod ka na sa kanila. Malamang nasa parking lot pa lang sila ngayon--"

"Just shut up and let me stay here."

Hindi ko na ito pinansin at hinila na lang ang kumot mula sa kaniya bago napikit. Antok na antok pa rin talaga ako kaya hindi ko hahayaang masisira ang tulog ko dahil sa lalaking 'to.

"Ang damot mo naman, Zen! Hati tayo sa kumot!" reklamo pa ni Hugo.

Malaki ang room ni Cleo dahil kinuha ni Dad ang pinakamalaki upang kumportable kami. Kaya naman may isa pang extra na higaan at tatlong malalaking sofa. Kung tutuusin ay parang bahay lang din ito dahil kumpleto ang mga gamit.

Napamulat ako nang maramdamang bahagyang lumubog ang isang bahagi ng kama. Nakihiga pala ang loko at buong pwersang hinila ang kumot.

"Hoy, Hugo! Umalis ka nga rito at akin na 'yang kumot ko! Doon ka sa sofa!"

"Nilalamig ako roon. Ayaw ko. Ikaw na lang ang matulog sa sofa." ganti niya bago nagpagulong-gulong sa kama kaya muntikan pa akong mahulog.

"No way. Hindi puwede. Dito ako sa higaan matutulog."

Syempre hindi ako magpapatalo 'no! Buong lakas ko itong tinulak kaya nahulog siya sa kama. Agad ko namang kinuha ang kumot at nagtalukbong.

Mahina itong napamura at pilit na inaagaw ang kumot ngunit hindi ako nagpadala at mahigpit itong hinawakan para mas lalo siyang mahirapan.

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon