Chapter Five: Right Hand

1.8K 64 18
                                    

CHAPTER FIVE
Right Hand

CLEO

"Zen, sigurado ka bang gutom ka?" tanong ko sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Zen, sigurado ka bang gutom ka?" tanong ko sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng building at nagpapahangin habang kumakain ng pagkaing binili namin kanina. Mabuti na lang at hindi gaanong tirik ang araw kasabay pa nito ang malakas na bugso ng hangin.

"Oo naman! Kumakalam pa nga ang sikmura natin kanina eh." sagot niya bago kumagat ng omelette.

"Hindi halata, Zen. Seriously? Coffee Latte at Omelette for lunch? Mabubusog ka?"

Tumigil ito sa pagnguya at sumimangot. "Hindi rin halata sa'yo, Cleo. Seriously? Lasagna at Iced tea for lunch? Mabubusog ka?"

Pabiro akong umirap bago siya binatukan. Napamura ito habang hinihimas ang batok niya saka ako tinapunan ng masamang tingin.

"Cleo naman eh! Muntik na akong mabilaukan."

"Sorry naman. Eh ikaw kasi! Hindi healthy iyan for lunch. Kanin dapat ang kinakain natin!" pangaral ko pa ngunit ngumiwi lang siya.

"Takaw mo kasi eh. Quits naman tayo! Hindi rin healthy 'yang sa iyo."

"Malalagot talaga tayo kina Hugo eh."

Natigilan ito at ininom ang coffee latte niya. "Hayaan mo na sila. Hindi naman nila alam eh. Masarap ba ang lasagna?"

Inalok ko naman siya nito at tuwang tuwa siyang tumikim. "Ang sarap nga!"

Ilang minuto pa kaming nanatili sa rooftop bago siya nag-ayang pumunta sa library. Sakto namang wala masyadong tao kaya minabuti naming sa dulo na lang maupo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang makita ko siyang humikab habang papikit-pikit. Halatang inaantok ito at bahagya pang bumabagsak ang ulo sa balikat niya. Sumulyap ako sa relo ko at napagtantong ilang oras na rin pala kaming nandito sa library.

Maya-maya lang ay nakita ko siyang sumusulyap sa phone. Animo'y may hinihintay na message galing sa kung sino.

"Mukhang may hinihintay kang tawag o text ah." wika ko nang hindi inaalis ang tingin sa libro.

Napaangat ito nang tingin habang kinukusot ang mga mata. "Hinihintay ko ang reply ni Titus. Uuwi na tayo."

Dahan-dahan kong nilapag ang libro sa mesa at nagtatakang tiningnan siya. "Ano? Pero hindi pa natin kasama si Ethan at Hugo. Hindi ba dapat sabay tayong uuwi?"

"Malamang nakauwi na 'yong dalawa. Kaya na nila ang sarili nila. Uwi na tayo, Cleo. Inaantok na ako eh."

"Pero Zen--"

"Ayaw mo?"

"Paano nga sila Ethan? Paano ka nakasisigurong nakauwi na sila?"

Mukhang nainis na ito dahil nahilamos niya na ang sariling palad sa kaniyang mukha.

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon