Chapter Fifty-Nine: Lexana Darienne

652 18 2
                                    

CHAPTER FIFTY-NINE
Lexana Darienne

ZENREE

"Zen, are you sure about this? Hindi na talaga natin sasabihan si Dad tungkol kay Nephora?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Zen, are you sure about this? Hindi na talaga natin sasabihan si Dad tungkol kay Nephora?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tinanong ni Hugo na ilang beses ko na ring sinasagot ng parehong sagot. Kasalukuyan kaming nasa dining hall ngayon at kumakain ng agahan. Kanina ay nakasabay namin si Dad ngunit saglit lang itong kumain at maaga ring umalis dahil may meeting pa raw sila.

"For the nth time, Hugo. Hindi nga muna natin sasabihin sa kaniya." inis na sagot ko at tinapunan siya ng tingin.

Paano kasi, ang kulit ng lahi niya! Kung bibigyan ako ng isang libo kada tinatanong niya iyon, malamang nagka sampung libo na ako.

"Kung hindi pa ngayon, e 'di kailan? Kailan tayo kikilos? Kapag huli na ang lahat?" ma-dramang dagdag niya dahilan para mapairap ako.

"Tangna, nasobrahan ka sa panonood ng teleserye, Hugo." kumento ni Ethan saka nakabusangot na sumubo ng bacon.

Hindi na lamang ito pinansin ni Hugo at ininom na lang ang hot choco niya. Sa kabilang banda, walang imik si Cleo at Raven na kalmadong kumakain lang ng agahan. Si Titus ay tahimik lang kaming pinapanood habang sumisimsim ng kape.

"Nga pala, magkikita kami ni Kace ngayon sa park. Is it okay?" ani Hugo kaya napaangat kami ng tingin sa kaniya.

"Pupunta tayo sa Hoffen Medical Center ngayon ah." paalala ko sa kaniya.

Umawang naman ang bibig niya sa gulat. Mukhang nakalimutan niya na ang usapan namin kagabi.

"Humabol ka na lang sa amin, Hugo. Kasama naman kami ni Zen e. Mag-bonding na muna kayo ni Kace. Ilang buwan din kayong hindi nagkita." dagdag ni Cleo na sinang-ayunan naman namin.

"Bakit ulit tayo pupunta roon?"

"Aalamin natin kung sino iyong nakasabay ni Mrs. Rodriguez na nanganak noong August 9, 2006. Paniguradong iyong pamilya niya ang may gawa ng lahat ng ito."

"Wait, ibig sabihin matagal na nilang minamanmanan ang pamilya ni Dad? At sila nga talaga ang pumatay kay Tita Veronica at Chris?"

"Ano pa nga ba, Hugo? Iyon naman ang misyon natin 'di ba? Ang hanapin kung sino ang pumatay sa kanila."

"Hindi na rin nakapagtataka, may motibo talaga sila para gawin nga iyon."

Biglang nag-ring ang phone ko at nag-flash ang pangalan ni Raphael sa screen. Sinenyasan ko silang manahimik muna bago sinagot ang tawag.

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon