CHAPTER THIRTY-FIVE
Stay AwayZENREE
Ilang minuto na rin kaming nagpaikot-ikot dito sa amusement park para hanapin si Ethan ngunit nabigo kami. Maski anino niya ay hindi namin mahagilap.
Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala lalo na sa kalagayan niya. Who knows kung ano ang puwede niyang gawin sa sarili niya? He's smart, yes. Pero kung emosyon na ang nangingibabaw, hindi mo na magagawang mag-isip nang tuwid.
Where are you, Ethan?
Pinagpapawisan na kami ni Cleo dahil halos nalibot na namin ang buong amusement park. Nakadalawang bote na rin kami ng tubig dahil sa sobrang pagka-uhaw.
"Kung ako si Ethan, saan ako pupunta?" ani Cleo.
Nag-ring ang phone ni Cleo kaya mabilis niya itong hinugot sa bulsa at sinagot.
"Dana?--Oo, inaya kami ni Nephora e.--T-Talaga? A-Ayos lang ba siya?--Sige, papunta na kami diyan. Salamat!"
Walang anu-ano'y hinila ako ni Cleo at tumakbo. Marami na kaming nababangga ngunit hindi na namin magawang mag-sorry dahil mukhang nagmamadali talaga ito.
"Cleo, saan ba tayo pupunta? Dahan-dahan ka naman sa pagtakbo."
"Zen, nandito sina Dana at nakita nila si Ethan!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Saan daw si Ethan?"
"Papunta raw sa dulo ng amusement park."
Hindi na ako nagtanong pa at sinabayan na lang siya sa pagtakbo. Hindi rin nagtagal at nakarating nga kami sa dulo ng amusement park. Mapuno rito at madilim ngunit batid kong nasa may ilog din kami dahil na rin sa naririnig kong agos ng tubig.
Mula sa rito ay nakarinig ako ng pagbagsak ng bato sa tubig. Paniguradong si Ethan iyon dahil iyon ang madalas niyang ginagawa tuwing frustrated siya.
"Si Ethan iyon." sambit ko bago namin tinahak ang mabatong daan at sinundan ang tunog.
"Damn it!"
Naabutan namin si Ethan na pinagsusuntok ang puno. Walang tigil ito sa pagsuntok at mukhang wala na siyang nararamdaman dahil kahit patuloy na umaagos ang dugo sa kamay niya ay hindi niya ito inalintana.
"E-Ethan." bulong ni Cleo kasabay ng pagtakip niya sa bibig niya.
Tuloy-tuloy na tumulo ang luha sa mga mata niya at maging ako ay hindi na napigilang maluha.
He looks fragile right now. Magulo na ang buhok niya at patuloy na lumalandas ang luha mula sa mga mata niya. Nagmistulan itong talon na hindi matigil sa pag-agos.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
БоевикThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...