CHAPTER FOURTEEN
L'expéditeurETHAN
Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong ma-ambush kami. Kahit papaano ay naghilom na ang mga sugat na natamo namin at ngayon nga ay nakahanda na kaming pumasok sa Academy.
"So you're telling me that this is a cold case? Na wala nang pag-asa na malaman kung sino ang pumatay sa mag-ina ko?"
Dad's voice boomed inside the four corners of the room. Nandito kami ngayon sa workroom ni Dad habang nag-uusap sila ng isa sa mga limang investigators na kinuha niya.
"Akala ko ba nag-meeting na sila no'ng mga investigator?" bulong ni Cleo sa tabi ko.
Hindi na ito mapakali dahil mahuhuli na kami sa klase. Panigurado kasing im-meet na kami ng mga prof ngayon dahil tapos na ang one week para sa adjustments.
"Oo nga. Pero apat lang ang nakipag-meet sa kaniya, Cleo. Chill ka na lang, okay? Matatapos na rin naman yata 'to."
Wala naman siyang nagawa at tumango na lang. Nilingon ko si Zen at Hugo na ngayo'y humihikab habang nakikinig sa pinag-uusapan ni Dad at ng investigator. Hindi ko nga alam kung bakit pina-stay pa kami rito para makinig sa kanila.
"I'm sorry to tell you this pero parang ganoon na nga, Mr. Dylan."
Umiling-iling si Dad saka tinuro pinto. "Leave."
Nakayukong lumabas ng workroom ang investigator. Napamasahe si Dad sa sentido niya at umupo na lamang sa swivel chair niya.
"Dad, we need to go. Mahuhuli na po kami sa klase." paalam ni Cleo.
Tumango naman si Dad sa amin at naging hudyat iyon para lumabas na sa workroom niya. Ngunit hindi pa man kami nakakalabas ay nagsalita ito.
"Tutulungan niyo pa rin ba ako?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Tanging si Zenree lamang ang sumagot para sa amin.
"Of course, Dad. Kung wala silang maibigay na lead, kami mismo ang maghahanap."
****
"Bilisan mo, Zen. Baka may pumasok at tanungin kung ano ang ginagawa nating apat dito." wika ni Hugo at tinapik-tapik ang likod ni Zen.
"Ano ba? Huwag ka ngang praning. Hindi tayo mahuhuli, okay? Wala ka bang tiwala sa skills ko? Atsaka, mas mabuti pa sigurong mag-isip ka na ng palusot kung sakaling may pumasok man."
Nasa rooftop kami ngayon ng building dahil break time. Bukod pa roon ay naisipa n ni Zen na i-hack ang school system at nagbabakasaling may mahanap kaming kakaiba tungkol sa school na ito.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AksiThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...