Chapter Six: Their Ways

1.6K 52 29
                                    

CHAPTER SIX
Their Ways

ZENREE

Pagdating namin sa mansion ay sinalubong agad ako ni Snow at tinapon ang sarili sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagdating namin sa mansion ay sinalubong agad ako ni Snow at tinapon ang sarili sa akin. Mabuti na lang at nasalo ko ito kahit sobrang bigat niya. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapagtanto kong may kagat siyang bola at mukhang nais niyang maglaro kami.

"Snow!" bungad ni Cleo at tinapik ang ulo ni Snow.  "Where's Douglas?"

"Woah there, Douglas!" napalingon kami kay Ethan at nakitang pumaibabaw na sa kaniya si Douglas. Gaya ng madalas niyang ginagawa, pinapaamoy niya ang pwet niya kay Ethan.

"Oh my--Douglas!" tawag ni Cleo sa aso niya at sumipol.

Nabaling naman ang tingin ni Douglas kay Cleo. Mabilis itong umalis sa pag-ibabaw kay Ethan at tumakbo palapit sa kaniyang amo.

"Baby, how are you?" tanong ko kay Snow bago lumuhod upang magpantay ang mukha namin.

"Okay lang naman ako." dinig kong sagot ni Hugo dahilan para mapairap ako.

"Ang kapal talaga ng muk---" magsasalita na sana ako upang barahin siya nang mapansin kong kausap niya pala ang pusa niyang siamese na si Arthur.

"Ikaw, baby?" tanong niya at hinimas ang baba nito.

Mas lalo lamang siniksik ni Arthur ang sarili sa bisig ni Hugo at pumikit.

"Baby? Seriously, Hugo? Bakla ka ba?" pang-asar ni Ethan bago inabot ang isang libro sa mesa at nagsimulang i-scan ito. "Sa pagkakatanda ko, lalaki iyang pusa mo."

"The heck, Ethan? Babae si Arthur!" dipensa ni Hugo at nagpukol ng masamang tingin kay Ethan na wala namang pakialam.

Wait, what? Babae si Arthur? Adik talaga 'tong si Hugo e. Sinasabi ko na nga ba't humihithit ito ng chlorox!

"Babae? May ano nga siya eh!" giit ni Cleo habang nilalaro si Douglas. Nagpagulong-gulong pa ang alaga niya.

"Ano'ng meron siya, Cleo?" pang-asar ni Ethan kay Cleo. Alam niya kasing hindi nito masabi nang diretso ang tinutukoy niya.

"Iyong ano---uhh--ano---basta alam niyo na iyon!"

"Hala, paano ba iyan, Cleo? Hindi ko alam ang tinutukoy mo." dagdag ni Hugo at nagpanggap na inosente.

"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!"

"Hindi namin alam, Cleo. Ano ba iyon?"

Napailing na lang ako habang kinikiliti ang tyan ni Snow. "Don't mind them, Snow. Gutom lang sila kaya kung ano pinagsasabi."

"Cleo, ano na? Anong meron kay Arthur?" muling napukol ang atensyon ko nang magsalita si Ethan at kinukulit pa rin nila si Cleo.

"Ano--"

Peritissimus: The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon