CHAPTER FIFTY-FOUR
DilemmaHUGO
"Nephora, nandito na tayo." wika ko at inalalayan siya palabas ng kotse. Nakisuyo ako kay Titus na ihatid muna namin si Nephora sa bahay nito habang nag-uusap pa si Dad at Raven.
"Titus, hintayin mo na lang ako rito sa loob ng kotse. Ihahatid ko lang siya sa gate." baling ko pa kay Titus.
"As if I have a choice? Bilisan mo."
Lumabas na ako ng kotse habang akay si Nephora. Paulit-ulit rin akong nag doorbell hanggang sa bumukas ang gate at bumungad si Mr. Rodriguez kasama ang isang kasambahay.
"Hugo? Anong ginagawa mo rito--" natigilan siya nang makita niyang akay ko si Nephora.
Napabuntong hininga ito bago inutusan ang maid na dalhin si Nephora sa loob ng bahay. Bumaling ito sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Thank you, Hugo. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang 'yan. Ilang linggo na siyang mukhang problemado. Tuwing tinatanong ko siya, sinasabi niya namang wala. May kinu-kwento ba siya sa'yo?"
Sandali akong natigilan habang pinagmamasdan si Mr. Rodriguez. Nahihibang na ba ako kung pati siya ay pinagdududahan ko? Hindi rin naman kasi malabong siya ang head ng Periculo at princess si Nephora. Maaari ring may sikreto siyang motibo sa pamilya nina Dad pero gaya nga ng sinasabi ko, wala kaming sapat na ebidensya para patunayan iyon.
"Hugo?"
Sa ngayon, siguro ay tama na huwag muna akong magtitiwala sa kahit na sino maliban sa sarili ko at sila Ethan. Mas magiging delikado kapag marami ang nakakaalam tungkol sa puzzle na unti-unti na naming nabubuo.
"Hugo?"
Nabalik ako sa reyalidad nng makitang winawagayway niya ang kamay niya sa harap ko. Agad akong tumayo nang tuwid at pilit na ngumiti.
"I-I'm sorry about that, Mr. Rodriguez. May iniisip lang po ako."
Mahina itong natawa at tumango-tango. "I understand. But you're too formal, call me Tito Levy."
"Sorry po ulit, Tito. Tungkol naman po kay Nephora, siguro po ay nas-stress lang siya sa academy. Marami-rami rin po kasi ang requirements na pinapagawa sa amin these past few weeks. Ngayong Intramurals lang po ang pahinga namin."
Mukhang naintindihan niya naman ang sinasabi ko dahil hindi nagtagal ay tumango na ito.
"Ganoon ba? Siguro nga." napasulyap naman siya sa kotse sa likod ko kung saan naghihintay sa akin si Titus. "Oh siya, salamat ulit, Hijo. Sa tingin ko'y hinahanap ka na ng Dad niyo."
"Walang anuman po, Tito. Mauuna na po ako."
Mapakla akong ngumiti at tatalikod na sana nang muli akong mapalingon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
ActionThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...