CHAPTER THIRTY-SEVEN
Shades of BlueZENREE
"Oh goodness, hindi tayo pupunta roon nang ganito ulit ang suot!" reklamo ko habang tinatahak namin ang hallway.
Ayaw ko na ma-experience kung gaano ka-hassle ang makipaglaban habang nakasuot ng maikling palda dahil hindi ako kumportable. Naalala ko iyong araw na akala namin ay hawak na ng periculo sina Hugo at Nephora. Naka-uniform kami no'n at doon ako bumilib dahil nagagawa naming patumbahin iyong dalawang espiya kahit na pareho kaming nahihirapan sa mga suot namin.
"Time is running, Zen. Huwag ka na mag-reklamo." ganti ni Hugo bago hinawakan ang braso ko't kinaladkad.
"You don't know the struggle, Hugo. Magpapalit ako ng damit sa ayaw at sa gusto mo." kumalas ako sa hawak niya bago binuksan ang locker ko at kinuha ang damit na pamalit.
Awtomatiko akong napangiti nang makita ang sarili sa salamin. 'Di hamak na mas kumportable ako rito sa suot ko na black track pants at plain white shirt.
"Bilisan na natin at baka maabutan na lang nating nagkahati-hati na ang katawan ni Raven." aya pa ni Hugo paglabas ko ng CR. "Fifteen minutes na lang ang meron tayo."
"Itikom mo na lang iyang bibig mo kung wala kang magandang sasabihin." saway ko.
"I'm serious, Zen."
Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin. Ayaw kong masayang ang oras ko kasasagot sa kaniya.
Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa likod ng academy. Gaya ng ginawa namin noon, umakyat ulit kami sa bakod para makalabas ng campus.
"Sana talaga may kotse tayo tuwing may ganitong pangyayari." nakasimangot na saad ni Ethan at napakamot sa batok. "Kailangan pa tuloy natin pumara ng taxi. Ayun na e! Ang cool na natin! Tapos magta-taxi tayo?"
"Sino nagsabing magta-taxi tayo?" nakangising tanong ni Cleo bago pinakita ang isang susi.
Napasipol naman si Hugo habang nakanganga si Ethan at Nephora.
"Saan mo nakuha iyan?"
Kumibit-balikat lang si Cleo. "Pinahiram ni Dana."
"What?"
Pinahiram ni Dana? That's kinda weird. Bakit niya naman ipapahiram ang kotse niya? Alam niya na may pupuntahan kami?
Hindi na ako nagtanong pa at natagpuan na ang namin ang mga sarili namin sa kotse ni Dana. Nagtutulakan pa sila sa kung sino ang magd-drive kaya hindi ko na napigilang sumigaw.
"Punyeta! Sumakay na kayo at ako magd-drive! Kapag hindi natin naabutan si Raven, kayo ang tatapusin ko!"
Mukhang nagulantang naman si Hugo at Ethan. Sina Cleo at iyong bruhilda ay nakasakay na at hinihintay na lang kami. Hindi na nagsalita ang dalawa saka dali-daling pumasok sa kotse.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
ActionThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...