AUTHOR'S NOTE:
Keep your eyes peeled!
-C
CHAPTER FORTY
The PrincessDANA
"I still can't believe it. Nagawa mong pagmukhaing suicide ang pagkamatay ni Celine." namamanghang wika ko.
Usap-usapan pa rin ngayon ang pagkamatay ni Celine Sy--ang top student ng North University.
"You underestimated me, Dana." nakangising tugon ni Alice bago nilapag ang dyaryo sa mesa. "Admit it. I'm a great assassin."
"Yeah, whatever."
Alice chuckled before sipping her favorite iced coffee. "And you're a great liar."
Napatingin ako sa kaniya saka tinaasan siya ng kilay. "At paano naman ako naging sinungaling?"
"HuRee shipper? Talaga ba?"
Napatigil ako sa pagnguya ng Cheetos bago siya sinamaan ng tingin. "Totoo iyon 'no! --Teka nga, kanino mo naman nalaman iyan?"
Kumibit-balikat lang siya habang pinaglalaruan ang iced coffee niya. "Ezekiel. Sino pa ba?"
Hindi ko napigilang mapairap nang malamang sinabi na naman pala ni Ezekiel ang tungkol doon sa sinagot ko kay Cleo.
"Hey, I have this feeling na nagkamali ka." seryosong saad niya bago ako tiningnan. "Sa tingin ko, kayo ang kailangang mag-ingat."
"What? Kami nina Ezekiel?"
Bakit kami ang kailangang mag-ingat? Ang gulo talaga nitong si Alice. Hindi na lang kami diretsuhin at talagang gustong gusto niyang pinapasakit ang ulo namin sa kaiisip.
"She's watching your every move." dagdag niya. "Hunch ko lang naman."
Pigil na pigil akong sabunutan 'tong pinsan kong halos sumakit na ang tyan katatawa. Ni hindi ko nga alam kung saan banda sa sinabi niya ang nakakatawa.
Epekto na kaya iyan ng intense training niya?
"Umalis ka na nga bago pa kita masapak." nayayamot na ako sa babaeng 'to.
"Chill ka diyan, Dan. Seryoso ako na kailangan niyong mag-ingat. Masyado kayong busy sa pag-protekta roon sa apat pero mas vulnerable pa kayo sa atake niya."
"Diretsuhin mo na lang kaya ako, Alice? Saan ba kami nagkamali?"
"Hunch ko nga lang, Dana."
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
БоевикThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...