CHAPTER TWENTY-ONE
Dead BodyCLEO
Nakatingin pa rin ako sa direksyon nina Dana. Lumapit sa amin si Mrs. Toquin at may sinasabi ito ngunit hindi ko siya maintindihan. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko at si Dana lang ang makakasagot no'n.
I need to talk to her.
"Cleo, ayos ka lang?" I snapped back to reality nang marinig ko ang tanong ni Zen.
Pilit akong ngumiti at tumango. "I'm fine. How about you?"
"I'm okay."
Tinulungan naman ako nitong tumayo. "Sabi ni Mrs. Toquin, sa susunod huwag na raw tayong dumaan sa likod ng target. Gaya kanina, lumihis ang arrow na pinakawalan ni Dana at muntikan tayong matamaan."
Natigilan ako sa sinabi ni Zen. I'm pretty sure na hindi iyon lumihis at sinadya niyang pakawalan iyon papunta sa direksyon namin. Lahat ng arrows na pinakawalan niya kanina during trials ay sumakto sa target. Pinuri pa nga ito ni Mrs. Toquin dahil wala itong palya. Ganoon din si Ezekiel kaya imposibleng magkamali ito lalo na't assessment iyon na magsisilbing quiz namin.
Bigla ko namang naalala 'yong tunog na narinig ko kanina kasabay ng pagbagsak namin sa sahig. Pinadaanan ko ng tingin ang sahig at nagbakasakaling nandito pa ang bagay na iyon ngunit nabigo ako.
"Cleo? Sigurado ka bang ayos ka lang?" kunot-noong tanong sa akin ni Zen.
Hindi ko na namalayang nakatingin na silang apat sa akin. Tumango na lamang ako at inaya na silang umalis dahil naririnig ko na ang sigaw ni Mrs. Toquin mula sa malayo at pinapaalis niya na kami dahil may iba pang sasabak sa assessment.
Naglalakad na kami pabalik ng classroom nang mapansin kong nakayuko lang si Nephora. Kanina pa ito sumusulyap sa akin at akmang magsasalita pero hindi natutuloy.
"Spill."
Napaangat ang tingin niya sa akin saka ito bumuntong-hininga.
"Tungkol sa nangyari kahapon, gusto ko lang mag-sorry." nakatingin lang ito sa sahig habang naglalakad kaya muntikan pa itong mabangga sa isang poste kung hindi ko hinila ang braso niya.
Napamaang ito sa ginawa ko ngunit 'di kalauna'y napangiti rin siya at nagpasalamat.
"Sa susunod, huwag na kayong hihiwalay ni Hugo sa amin. Baka mamaya may mangyari pa sa inyong masama at malagot kami."
Tumango naman siya at sumulyap kay Zen na ngayo'y nasa unahan at kausap sina Hugo at Ethan.
"Galit ba sa amin si Zen?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
AksiThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...