CHAPTER FORTY-EIGHT
Defend and Stay AliveHUGO
"Let's play a game called 'Keep your friends close.' " wika niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Nanatili akong nakatitig sa baril na hawak ko. When was the last time na nakahawak ako ng baril? Days ago siguro noong gabing nag-training ako sa training room nang mag-isa.
"All you need to do is to defend that switch and stay alive, Hugo." dagdag niya na ikinaangat ng tingin ko. "Stay alive or they'll die."
Mataman lamang akong nakatingin sa kaniya. Tila pino-proseso pa ng utak ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Sumabay pa ang pagsilay ng kaniyang mapaglarong ngiti.
"Balak mong patayin ako?" walang emosyong tanong ko rito. "I still don't understand why are you doing this pero sa oras na mahawakan ko ang leeg mo, hindi kita papatayin kaagad. I'll make you suffer hanggang sa pagsisihan mong ginawa mo 'to sa amin."
Ni hindi man lang siya natinag. Bagkus ay pinagkrus niya lang ang mga braso niya. "Whatever, Hugo. Gawin mo na ang gusto mo basta't gagamitin mo ang baril na iyan. Dahil kung hindi, ididiretso ko ang mga bala nitong baril ko sa ulo ng mga kaibigan mo."
Pagsabi niya no'n ay hindi ko na napigilang mapalingon muli sa baril na hawak ko at kasabay no'n ang muling pagbalik sa akin ng mga pangyayari mahigit isang dekada na
ang nakalilipas.--
"Hugo, anak. Matulog na tayo. Maaga tayong mamamalengke bukas 'di ba?" ani Mama bago ako kinumutan.
"Opo mama! Tutulungan ko po kayo sa pagbitbit!" nakangiting sagot ko. Narinig ko pa ang paghalakhak ni Papa.
"Tama iyan. Tulungan mo ang nanay mo, Hugo lalo na sa pagbitbit ng mga bilihin."
"Opo naman po Papa!"
"Ayos iyan nak. Sa darating na pasukan ay i-e-enroll kita sa kalapit na eskwelahan dito sa atin. Excited ka na bang mag-aral?"
Halos kuminang ang mga mata ko nang marinig iyon. Nangingibabaw ang pagkasabik ko na makasalamuha ang ibang tao at magkaroon ng maraming kaibigan.
"Excited na po ako Papa!"
" 'Di bale, magta-trabaho ako nang maigi, anak. Para sa kinabukasan mo."
Simple lang ang buhay namin. Labandera si Mama habang karpintero naman si Papa. Kahit na patong-patong na ang mga utang namin at halos hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, masaya pa rin ako dahil sila ang magulang ko.
Nakangiting tumango naman ako bago nagtalukbong. Marahang tinatapik-tapik ni Mama ang likod ko hanggang sa tuluyan akong makatulog.
--
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
حركة (أكشن)They thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...