CHAPTER FIFTY-SEVEN
They're backCLEO
Halos mabingi ako sa lakas ng tunog mula sa speakers. Ang mga estudyante ay hindi magkamayaw sa pagsayaw at pagsabay sa indak ng musika.
"Cleo, sayaw tayo!" aya ni Dana na isa sa mga estudyanteng hindi matigil sa pagsayaw mula pa kanina.
"Ayaw ko e. Hindi ako mahilig sa ganiyan. Kayo na lang nina Ezekiel--"
"Don't be such a party pooper, tara na!"
"Oo nga naman, Cleo. Sali ka na sa amin." singit ni Lucienne habang pilit akong pinapatayo.
Mabilis akong umiling at marahang binawi ang braso ko na hawak ni Lucienne. "Okay lang ako rito. Kayo na lang."
Mukhang nakuha naman nilang hindi talaga ako mapipilit kaya napabuntong hininga na lamang sila bago bumalik ulit sa dance floor.
Friday ngayon at bilang closing activity ng Intramurals ay nag-host sila ng ball gaya raw ng nakagawian. Parang tradisyon na raw ito ng Lorem Academy at lahat ng estudyante ay kailangang um-attend. Kanina pa binuksan ng emcee ang dancefloor para sa disco kaya naman halos magwala na iyong iba sa excitement.
"Tara takas, Cleo!" aya pa ni Raven at nagpalinga-linga. "Saan si Zen?"
"Kukuha lang daw siya ng drinks e." sagot ko at nilibot ng tingin ang hall. "Pero kanina pa iyon ah."
"Baka nakipag-chismis lang." biro pa nito.
"We all know she's not that type of girl. Ni hindi nga niya makausap iyong mga kaklase natin maliban kina Dana e." kumento naman ni Ethan at saka sila napahalakhak ni Raven.
Mga baliw.
Tumayo na lang ako at nagpaalam na magc-cr muna. Nababagot na kasi talaga ako at nabibingi sa mga tilian at hiyawan ng mga estudyante kasabay no'ng tugtog. Isa pa, hahanapin ko na rin si Zen dahil kanina pa ito nagpaalam sa amin ngunit 'di pa rin nakakabalik.
Paglabas ko ng cubicle ay agad na dumapo ang tingin ko sa babaeng kasalukuyang nakaharap sa salamin at nag-aayos ng mukha.
"Cleo!" halos kuminang ang mga mata niya nang makita ako.
Kailan ko ba siya huling nakita? Kung hindi ako nagkakamali, noong founding anniversary ng kumpanya. Iyon ang una't huling pagkikita namin. Pagkatapos no'n ay hindi ko man lang siya nakasalubong.
"I missed you! How are you feeling? It's been months, I think. At sa isang celebration pa kung saan hindi maganda ang pagtapos ng gabi." dagdag niya at ngumiwi.
Ngumiti ako saka niyakap siya. "I'm fine, Alice. I missed you too. Hindi na ako nakapagpasalamat sa'yo paggising ko."
"Magpasalamat saan?"
BINABASA MO ANG
Peritissimus: The Mission
ActionThey thought they'll forever isolate themselves from the ordinary world. Until they found their group in a mission where they have no other choice but to face it. --- PERITISSIMUS: THE MISSION [Editing] Written by: Chaimeeeee Genre: Action Status: C...