Love or Kill 3: Ignorance
(Virenika’s POV):
Whole Saturday kaming hindi nagpansinan ni Rex. Yeah, I know ayaw niya akong makasama. Maybe I caused him troubles—I can’t blame him either. Mas mabuti pang ipakita ko na lang sa kanya na mabuti akong fiancee at na hindi ako susuko sa kanya.
Now, it’s Sunday na. Sana naman kausapin na niya ako, kahit konti lang. =(
Bumaba ako sa sala para manood sana ng TV kaso nadatnan ko siya dun, nanonood na naman ng UFC. Basagulero ba ‘to? -___- Kausapin ko nga.
“Marunong ka niyan?” I did my best to sound calm. Umupo ako sa tabi niya.
“.....” -___-
“Mabuti naman kung hindi. Mas bagay sa’yo yung—“
“Shhh!” Saway niya sa’kin. =/ Ansama talaga.
“Rex, alam kong hindi mo gusto ‘to but please naman, wag mo naman akong iignore na lang lagi...” Malumanay kong pakiusap. Sobrang boring kasi...
“Hindi kita iniignore.” Inilipat niya yung channel into Disney. *___* “Ganito lang talaga akong makitungo sa mga taong ayaw ko.” Tumayo siya at tumalikod. “Gawin mong fiance si Mickey Mouse, baka matuwa ka pa. Pfft.” Sarcastic niyang sabi bago siya tuluyang umalis.
Hiyang-hiya naman ako kay Mickey Mouse. Kung hindi lang ako naawa kay Kathryn Bernardo eh si Daniel Padilla na lang pipiliin ko eh! Amff!
Hindi ko na lang masyadong dinidibdib yung mga sinasabi niya sa’kin. Maybe he’s under adjustments. Papanoorin ba naman ako ng Mickey Mouse? -__- I know I look that young but hello, 15 na’ko. Sasanayin ko na lang sarili ko sa pakikitungo niya sa’kin. *Sigh* Wait nga, saan na pumunta yun? Ang sungit naman kasi eh. Makapunta na nga ako sa pool.
Yes, may pool yung bahay namin. Nasa likuran. Maganda yung ambiance dun kaya dun na lang ako tatambay.
O__O
Ngek, nandito din pala siya. Naglalaro naman siya ng PSP ngayon habang nakaupo sa wooden chair. Pumunta ako sa gilid ng pool at dun ako umupo. I dipped my legs on the water. Wew anlamig.
“Oy Rex.” Pangungulit ko na naman. Again, he ignored me.
“Pssst! Wala ka bang pupuntahan ngayon?” Tanong ko. Hindi pa rin siya sumasagot.
“Uy, wala kang lakad—“
“Anu ba! Lintek naman! Ano ba’ng paki mo?!” Bigla niyang sigaw habang nakatitig nang masama sa’kin! O___O “Kung pwede lang akong umalis dito, ginawa ko na nung isang araw pa!” Tumayo na siya. “Kaso mga bwisit kayo ginugulo niyo buhay ko! Peste!” Dagdag niya sabay talikod...
=’{
“R-Rex...” Tawag ko sa kanya... *Stab* Tumigil siya at lumingon sa’kin. His face looks very mad...
“ANO?!!” He’s really mad...
I... I smiled... I just smiled...
“Sorry...” Ayokong umiyak...
“Tss.” He walked away... “Sorry mo mukha mo.” I heard that.
Ayokong umiyak sa harap niya... Ayokong magmukhang kawawa. Ayokong makita niya akong luhaan dahil nasasaktan ako sa mga ginagawa niya... I will smile.
I will always smile... Kahit mahirap. Kahit masakit. Kahit nakakaubos ng hininga... Ngingiti ako. To look strong. To BE strong...
Tinatampisaw ko yung tubig ng pool. Malinaw na malinaw. Nakikita ko pa nga yung reflection ko eh...
Hey you, lady... Masaya ka na ba diyan sa ginawa mo sa buhok mo?
Nung namatay si Xander, I cut my hair short since then. So, two years na akong short-haired. Para nga daw akong Grade 1 sabi ni dad. Pff. Eh ano naman ngayon? Wala naman akong kaibigan at di naman ako masyadong gumagala. Pero sige na nga rin, tutal may fiance na ulit ako, papahabain ko na ulit ‘tong hair ko...
(Rexodus’ POV):
“What?!” Gulat na gulat si Anette nang inamin ko sa kanyang magkasama na kami sa iisang bahay ni Renren. Ayaw kong magtago ng kahit na ano sa kanya. Siya na lang kasi yung kakampi ko...
“Please wag kang magalit, babe... Please... Pinilit nila ako... I tried to escape...” Paliwanag ko.
“Pero—Babe naman! Paano ako? Tayo??” I can see her disappointment.
“Okay naman tayo diba? Magkasama lang naman kami sa iisang bahay but it doesn’t mean namang maaapektuhan tayo diba?” Hinawakan ko kamay niya. Oo nga pala, nasa cafeteria kami ng University ngayon. Lumipat na kasi ako ng school para mas malapit sa Ayala Homes. Tsk. Pero okay na din kasi lumipat na din naman dito si Anette.
“Okay tayo pero ako...” Yumuko siya. “I won’t feel at ease knowing that you’re living with another girl, babe.” Malungkot na malungkot talaga yung mukha niya... Tae naman eh. She never looked so sad... Ngayon lang talaga.
“Babe, don’t think about that, okay? Hinding-hindi ko magugustuhan yung animal na yun.” Niyakap ko siya. Hindi ko siya kayang makitang nalulungkot dahil lang sa ganitong issue. Taeng Renren na yun. Mamatay na lang sana siya. -___-
“Okay babe... I trust you naman eh. Mahal kita eh.” She hugged me tight also. Ang sweet talaga nitong girlfriend ko. I will never let myself lose her.
“Mahal na mahal din kita babe.” I smiled at her as I kissed her forehead. Boom Englishero. :D Wala, masayang-masaya lang talaga akong magkasama kami ngayon.
“Uy bro! Nawawala ka-astigan mo pag kasama mo si MISIS DETARRO ah!” Nakangiting lumapit sina Herman at Gio. Natawa din si Anette.
“Loko talaga kayo! Misis na agad?” Kumawala siya sa’kin habang sinasabi niya yun.
“Misis na talaga, babe.” Sagot ko. She smiled na parang kinikilig pa. Haha ang cute naman ng girlfriend ko. NAKS naman.
“Alam mo ba Nette, pag hindi ikaw yung kasama niyang bakulaw na yan, nakakatakot yan! Para bang matatakot kang lumapit sa kanya!” Kuwento ni Gio. Abaa binubuking ako ah?
“Ha? Bakit naman?”
“Eh kasi nga para wag daw maattract yung ibang girls sa kanya. Ikaw lang daw kasi talaga. Eeehhh!” Panunukso ni Herman. Haha baliw.
“Ngee! Joker! Haha!” Tumawa ulit si Anette. I’m happy she’s happy.
“Hindi yan joke. Totoo yan.” Singit ko. Napatitig lang siya sa’kin. “Kaso kahit anung pagsusungit ko nagkakagusto pa rin yung mga girls sa’kin!”
“Wow naman!”
*Poookk!*
“Aray!” Hinawakan ko ulo ko. Hinampas niya ako ng libro. -___- Haha. “Ikaw babe ha, masakit yun!” Ngumuso ako. Tae nawawala pagkalalaki ko pag siya kausap ko.
“Yakk bro para kang bakla pag gumaganyan ka!” Panunudyo nina Gio. Tae, epal.
“Wag epal, bro. Nag-eenjoy ako dito kasama yung misis ko kaya tsupee! ALIS!”
“Hahaha, yan, nagagalit na mister ko oh. Hahaha!”
Napatitig na lang ako kay Anette. Taena ang hot talaga niya. Ang sarap pakinggan pag tinatawag niya akong MISTER. Sana maayos na lahat ng gusot na ‘to para magkatotoo yung tuksuhan namin ngayon—na kami yung ikakasal.
Die, Virenika, DIE! =/
![](https://img.wattpad.com/cover/22490597-288-k513222.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?