His Side 1

1.7K 49 7
                                    

              Nandito ako ngayon sa ospital. Pinatawag kasi ako nina papa't mama. Ewan ko kung bakit. Hindi kasi ako nakatira sa bahay kasama nila. Kay lola ako tumitira. Naiinis kasi ako pag kasama ko sina papa kasi lagi nila akong kinukumpara kay Roises, kambal ko. Yun nga, basta nandito ako sa ospital. Si Roises nakahiga lang sa hospital bed at walang malay.

"Pa. Ano ba talaga nangyari? Hindi ko kasi kayo maintindihan nung tumawag kayo last week." Sabi ko kay papa. Last week tumawag siya kaso di ko magets yung sinasabi niya. Mahina yata yung signal.

"Rex. Ang kambal mo... He's brain dead." Malumanay na sabi ni papa. Si mama naiiyak na naman habang nakaupo sa tabi ni Roises. What the eff?!

"What?!" Tinitigan ko si Roises. Roises is sleeping, of course. With machines and apparatuses attached to him. "B-Bakit??!" Inaamin kong naiinis talaga ako sa kanya pero--pero hindi ko naman gustong--tsk!

"Yes, Rex. He is brain dead. Respirator na lang bumubuhay sa kanya..." Malungkot na sabi ni mama... Sh*t...

"And alam mo na yung tungkol sa fiancee niya. Her dad, my boss, is the one who is currently handling all our hospital bills here..." Napahawak si papa sa hospital bed... Wag niyong sabihing... "At kapag umatras ako sa usapan namin tungkol kay Roises, he might also back out sa deal na babayaran niya yung bill natin dito--which of course, will result to..." Papa sighed... "Your brother's total death..." Napahikbi na si mama sa tabi. Lintek! Alam ko na pinapahiwatig nila.

"Please, Rexodus, wag mong hayaang tanggalan ng respirator itong kapatid mo..." Umiiyak na pakiusap ni mama sa'kin. Bakit ka umiiyak ma..? Hindi siya mamamatay... Ako ang mamamatay pag tinali niyo 'ko sa fiancee niyan!

"Pero ma! Alam niyo namang hindi ko ugaling makipagcommit sa babaeng hindi ko kilala! Lalo na sa babaeng mamamatay na!" Malakas at pwersado kong sagot. Alam kong parang ambastus ko pero kasi, paano naman ako?!

"Anak! Pakiusap! Kahit ngayon lang, maging selfless ka naman..." Pakiusap daw... Selfless? Tss.

"Selfless, pa?! Eh paano nga ako?? Pag naging fiancee ako nun, at pag ikinasal kami, paano ako, pa??" May girlfriend ako. Marami na akong plano para sa'min ng totoong mahal ko. Paano kami??!

"Hindi pa kayo ikakasal, Rex. Underage kayo kaya nga fiancee lang muna!"

"Eh anung silbi, pa??! Bakit kelangang ako pa maging fiancee niya??! Paano ako? May girlfriend ako! At yun ang pakakasalan ko! Yun lang pwedeng maging fiancee ko! Ayoko sa babaeng yun--"

"Hihintayin na nga lang natin na mamatay siya, Rex!" Sigaw ni daddy. Napatingin kaming lahat. M-Mamatay..? O_O

"What?!" Gulat na gulat kong tanong. Ano 'to?! Papatay ako ng tao?!

"A-Anung hihintaying mamatay, G-Gael?" Nanginginig na tanong ni mama.

"Sabi ng boss ko, the doctor told them na hindi na aabot sa edad na 18 yung anak niya... Right now, she's 16. Two more years na lang siyang mabubuhay." M-Magkaedad pala kami. But NO!

"Two years akong magtitiis, pa?! Para ano?! Para lang patuloy na buhayin ng respirator yang kambal kong yan?! Brain dead pa! BRAIN DEAD! No matter what you do, hindi na siya gigising--!" Sh*t--

*SLAP!!*

O__O 

Dad just slapped me. Peste. Hindi ako pwedeng magalit o lumaban. Alam ko mali yung sinabi ko. Pero kasi--

"Gag* ka ba, Rexodus Orion?!" Tumayo bigla si ate Ryen. O_O S-Si ate? Nakisali?? 

"Ate?" Gulat ko na namang reaksyon. Ngayon lang kasi siya sumigaw ng ganito sa'kin.

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon