Love or Kill 6: School Girl
(Rexodus’ POV):
Isang linggo na ang lumipas mula nung dumalaw si lola sa bahay. Matapos nun kami na lang ulit ni Renren yung laging naghaharap. Kaya nga ako lagi nagpapagabi ng uwi eh. Pinupuntahan ko na lang muna si Anette sa dorm niya pero sandali lang din ako dun kasi bawal daw magpatagal yung visitors. Okay na yun, kesa naman sa wala. Nakapagplano na ako ng gagawin ko kay Renren. Mamaya ko na sasabihin.
“Okay 4th year Emerald, may I have your attention please?” Biglang sabi ng adviser namin na kasalukuyang nasa harap. Humarap kaming lahat sa kanya. “I would like to inform you that from now on, you will have a new classmate.”
“Who is it, Miss??” Tanong ni Niel, kaklase ko.
“Hija, halika.” Tawag ni miss sa kaklase namin.
*Stare*
Madadagdagan na naman kami. Wag ko naman sana siyang maging seatmate. Bakante pa naman sa tabi ko. -_-
*Stare*
Ayan na, pumasok na siya—
O_____________O
“Okay, class, she is Virenika de Ayala.” Nakangiting pagpapakilala ni Miss sa kanya. -__________- What the hell! Bakit kami magkaklase?!
“Hala, de Ayala daw, friend. Mayaman yan.” Narinig kong bulong ng kaklase kong babae.
“Oo nga, ilang taon na kaya siya? Parang 12 years old pa lang siya eh.” Tanga, 15 na yan.
“Hellooo Nikaaa!” Sabay2 na bati ng mga kaklase ko. Pfff. Bakit NIKA talaga agad tawag nila?
“Hi...” Namumulang sagot ni Renren sabay kaway.
“Virenika, ikaw na lang ba maghahanap ng seat mo?” Tanong ni Miss. Miss, please, ikaw na lang mag-assign sa kanya! Sigurado akong sa’kin tatabi yan! -_____-
“Opo...” Nagpalingun-lingon siya habang naglalakad. Nang makita niya ako, ngumiti siya agad. Tae, taeeee!
Lumapit siya sa’kin nang nakangiti. Tahimik ang buong klase habang nakatitig sa kanya.
“Sabi ko na nga ba’t kay Rex siya tatabi eh.” Bulong na naman ng babaeng nasa harap ko. Ba’t naman kasi anlakas bumulong, dinig ko pa talaga.
Huminto si Renren sa harap ko habang nakatitig sa’kin. Pinagdilatan ko siya ng mga mata ko.Wag ka dito! Alis, peste!
“Miss, dito ka na lang oh.” Napatingin siya sa nagsalita.
“H-Ha?” Gulat niyang reaksiyon. Ay tanga.
“Tayo na lang seatmate. Dito ka.” Bahagya akong lumingon. Si Niel pala.
“S-Sige.” Ngumiti na ulit si Renren. Tsss. Buti nga.
(Veronika’s POV):
Huminto ako sa harap ni Rexodus para tignan kung okay lang ba sa kanyang maging seatmates kami. Gusto ko kasi talagang siya yung makatabi ko eh... Gusto ko magkalapit kami lagi. Kaya nga ako nag-aral diba? Para makasama ko siya..?
Pinandilatan niya ako ng mata. Hindi naman yung sobrang obvious talaga pero yung ansama ng tingin niya sa’kin and I know he’s telling me to NOT choose the vacant seat beside him... =’( Natulala na lang ako habang nakatingin sa kanya.
“Miss, dito ka na lang oh.” O_O May nagsalita.
“H-Ha?” Nabibigla kong reaksiyon.
“Tayo na lang seatmate. Dito ka.” Sino kaya siya? Nakangiti siya sa’kin. He looks nice naman.
“S-Sige.” Ngumiti na rin ako sa kanya tsaka ako humakbang papunta sa tabi niya.
“Ilang taon ka na ba, Miss?” Nakangiti pa rin siya. Hindi yata siya nahihiyang makipag-usap sa’kin.
“I’m 15. Ikaw?”
“16 na’ko. 15 ka na pala? Akala ko naman 13 years old ka pa lang!” ~____~ Ansama!
“How mean! Hindi ah! Bakit mo naman nasabi yun!” Ngumuso ako sabay ayos ng bag ko.
“Hahaha, baby face ka kasi eh. Mayaman ka noh?”
“Ha? Bakit mo naman natanong yan?”
“Halata kasi sa hitsura mong anak mayaman ka eh.”
“Toink. Hindi ako mayaman ah.”
“RICH lang? Hehehe!”
“Niel and Nika, please keep quiet now.” Saway ni Miss sa’min pero nakangiti naman siya.
“Sorry Miss!” Sagot ni Niel. Napangiti na lang ulit ako. May tao palang ganito ka-hyper—Roises... Ngek, naalala ko tuloy si Ex-fiance. =(
Ayun, natahimik na kaming dalawa. Si Miss may sinasabi pa pero hindi ko na masyadong narinig. Nakatingin lang kasi ako kay Rexodus na nasa harap namin... Gusto ko siyang kausapin. Hindi man lang kasi niya ako nililingon.
“Uy??”
“H-Ha? Eh, ano??”
“Ngek, tulala ka diyan eh! Tinatanong kita kung may kaibigan ka ba dito? Sino kasama mong magrecess tsaka maglunch?” In fairness, cute itong si—sino ba ‘to??
“Sino ka??”
“Wow! Hanep naman, kanina pa tayo nag-uusap tapos bigla mo’kong tatanungin niyan? Ansakit naman nun!” Hinawakan pa niya dibdib niya. Si Rex wala na yata, nakalabas na.
“Hindi—hindi ganun! Sorry! Kasi—I don’t know your name pa kasi eh! Sorry!” Natataranta ako. -__-
“Wuy! Hahaha! Joke lang naman, ang seryoso mo naman! Diba tinawag naman ni Miss name ko kanina? Kaw naman... I’m Niel!” Inilahad niya kamay niya. O__O
“V-Vire—“ Nagshakehands kami.
“Nika!” Nakangiti niyang dugtong. Tsss! Haha! Ang kulit!
“Yeah, back to what you’re asking me... Wala akong kakilala dito eh. Kaya I will be eating snacks and lunch alone.”
“Edi samahan kita! Alone din ako eh!”
“Ha? Wala ka ring friends dito?”
“Nope. Transferee kasi ako. It’s okay! Mabuti nga’t naging classmates tayo eh. Friends??” He smiled sweetly...
“Friends.” Ngumiti din ako.
“Tara kain na tayo.”
“Sigeee!”
Magkasama kaming naglakad ni Niel papuntang food court. Mabuti na rin siguro ‘to para may kasama naman ako. Palingun-lingon pa rin ako, umaasang makita ko si Rex sa mga oras na ‘to. Iniwan lang niya ako eh. He did not say a word talaga. =(
Dibale na muna, at least... I have my very first friend. Kahit boy, okay lang! ^_^
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?