Love or Kill 44: He’s a Lawyer
(Rexodus’ POV):
Nasan na kaya yung si Virenika? Kanina pa’ko naghahanap sa kanya eh. Tinatawagan ko di naman sumasagot. Di rin nagrereply sa text ko. =/ Tsk.
Nandito lang ako sa bench sa may pool namin. Nagpapahangin lang ako dito habang nagbabasa ng manga. Mahilig akong magdrawing kaya nagbabasa ako ng manga para marami akong ideas na makuha (explain pa more). :)
Habang nagbabasa ako, napasulyap ako sa loob ng bahay.
O.O
“Liit!” Tawag ko kay Ren nang makita ko siyang dumaan.
Aisshh, di niya’ko narinig. -___-
Tiniklop ko yung comic book na binabasa ko tsaka ako dali-daling umakyat para sundan siya. Pumasok yata siya sa kwarto...
“Ren..?” Mahina kong banggit sa pangalan niya matapos kong pumasok. Nakahilata siya sa kama... Nakapikit. “Virenika...” Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko pisngi niya. Pagod na pagod mukha niya...
Nagbuntung-hininga ako at hinalikan ko na lang yung labi niya tsaka ako tumayo—
*** Ringtone: One by Epik High ***
Huh?
Phone ni Nika...
Hinalukay ko yung bag niya para sana tignan kung sino yung tumatawag nang bigla kong nasulyapan ang isang retrato... Kinuha ko yun... At tinitigang mabuti...
Q_Q
O_O
Ito yung lalaking nabangga ni Virenika sa eskwelahan ah..? Tinignan ko yung likod ng retrato at may nakasulat na: Rest in Peace, papa. I love you always... Love, Virenika ...
O.O
Hindi ako pwedeng magkamali eh...
“L-Liit??” Inalog ko siya. “Liit!”
“Mmmm...?” Sagot niya habang tulog pa rin.
“Nasan na yung mga documents ng papa mo? Nasa’yo pa ba?”
“Nasa...cabinet...” Nakapikit niyang sagot.
“K.” Agad akong pumunta sa cabinet at hinanap ko yung mga papeles ng papa niya. Hindi ko alam kung bakit pero... May tumutulak sa’king suriin ang mga yun—
“Ah! Nakita rin kita.” Sabi ko nang makita ko ang isang malaking envelope na may label na Roland’s Documents.
Inilapag ko ang mga laman ng long, brown envelope sa study table at hinanap ko yung death certificate niya...
.
.
.
.
.
Matapos ang ilang minuto kong paghahanap ng impormasyon, nalaman ko na kung saan siya nakalibing.
Dinala ko ang mga papeles sa sasakyan ko at agad akong tumungo sa sementeryo na pinaglibingan niya.
“Kuya, pwede bang magtanong?” Tanong ko dun sa nagbabantay. Medyo sosyal kasi yung sementeryo. Tsss.
“Ano yun?” Mukha naman siyang mabait.
“Ahhh, yung bangkay po ni Mr. Roland Lee, pwede ko bang ipahukay yun kung sakali?”
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?