(Rexodus' POV):
"Hello, babe?" Tinawagan ko si Anette.
"Uh, yes babe? Hi."
"Nasan ka? Pwede ba kitang puntahan sa bahay niyo ngayon?"
"H-Huh? Uh--sure! Of course! I will wait for you here. Miss mo na'ko noh?"
"Sobrang-sobrang-sobra. Sige, coming na'ko. I love you babe."
"Okay. Ingat ka babe. Love you too."
*Toot Toot*
Babe, kulang ng "I". Pero dibale na. :D Puntahan ko na nga siya sa bahay nila. Welcome naman ako dun eh.
________
"Juice?" Alok niya nung binuksan niya yung ref.
"Milk. Hahaha."
"Naku ikaw talaga! Naho-hot'an ka lang sa'kin." She giggled. Tae, nakakaattract yung pagganyan-ganyan niya.
"Matagal na. Pero walang malisya, kelangan ko ng maraming gatas." Nangalumbaba ako.
"Anung gusto mo? Fresh milk o breast milk! Hahahahaha!" Pinalo niya ako sa batok.
"Aray--ikaw babe ha! Nagiging green-minded ka na! Haha! Tumino ka ha, Fresh milk lang muna." Loka talaga 'tong mahal ko. Haha.
"Green-minded agad? Haha. Kasi naman may pagatas-gatas pang nalalaman. Hmp!" Kinuha niya yung fresh milk at binuhusan niya yung isang baso. "Yan na po, sir."
"Ang ganda naman ng slave ko."
"Slave agad? Asawa na lang. :D"
"Asawa--sh*t." Naalala ko bigla yung dahilan kung bakit ako pumunta dito.
"Oh bakit?" Umupo siya sa harap ko. Uminom muna ako ng gatas. -___-
"May... May kelangan kang malaman, babe..." Kinakabahan ako... Paano kung di niya matanggap yung sitwasyon? Aiss...
"Tell me. What is it?" Hinawakan niya kamay ko. Ang hot talaga niya, nak ng tokwa.
"Wag kang magalit--I just really need to do this..." Yumuko ako. Hinigpitan ko hawak ko sa kamay niya. Ayoko sana siyang masaktan pero...mas masasaktan siya pag sa iba niya malalaman, diba?
"Ano nga yun? Binibitin mo naman ako eh..."
"I'm... I'm engaged." Napapikit na lang ako... I don't want to see her reaction--
"Pfffftt! Hahaha! Syempre! Fiance kita--"
"No, babe... Engaged ako sa iba."
"What the hell?!" She let go of my hand. "Anung ibig mong sabihin?!"
"Calm down--"
"Anung calm down?!" Napatayo siya sabay dabog sa mesa. "Paano ako magca-calm eh girlfriend mo'ko tapos--"
"Babe! Pwede ba, patapusin mo muna ako? I don't want to argue with you. Gusto ko lang maintindihan mo yung sitwasyon. Please. Please makinig ka muna." Hinawakan ko ulit kamay niya.
*Sigh*
"Okay. Explain everything." She crossed her arms. Naka-arko na mga kilay niya. Ansunget talaga nito pag nagagalit. -___-
"Ganito yun. Si Roises talaga yung original fiance nung babaeng yun. But alam mo na rin namang nasa ospital si kambal diba? And you know he's brain dead. Nagdalawang-isip akong aminin agad sa'yo 'to kasi ayokong masaktan ka pero naisip ko...mas masasaktan ka pag sa iba mo pa nalaman." Pinunasan ko pawis ko. Pinagpapawisan ako sa tensiyon dito. Ayokong mag-away kami ni Anette. -___-
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?