Love or Kill 21: Jealousy

1.3K 39 0
                                    

Love or Kill 21: Jealousy

(Rexodus’ POV):

“Hoy Renren.” Tawag ko sa asawa kong hilaw na kasalukuyang nagtatali ng buhok—teka! Mahaba na buhok niya?? O.o

“Y-Yes..?” Ay? Utal na naman?

“Wag mong itali buhok mo. Ilugay mo lang tapos ayusin mo. Tsaka magbihis ka nga ng magandang damit.” Utos ko habang nakaupo sa sofa.

“H-Ha? Pero... I’ll be staying here lang naman sa bahay...” Sagot niya.

“Alangan namang pagbibihisin kita kung wala lang naman tayong pupuntahan? Ano ka ba! Dali, magbihis ka na at aalis na tayo.” Binigyan ko siya nang masamang titig tsaka ako humarap ulit sa TV. Ay ang slow talaga kahit kelan. =/

Nung umakyat na siya para magbihis, nagbihis na rin ako sa kwarto ko. Hindi na muna ako nagsuot ng pang-ibabaw.

O_______O

Yan mukha niya nang makita niya akong topless. Ay manyak yata oh.

“Bakit?” Blanko lang mukha ko.

“A-Ah w-wala... O-Okay na ba ‘tong damit ko..?” Tanong niya habang namumula.

*Stare*

Naka-pink siyang sweater na may white collar, at colored jeans na skyblue. Inayos nga rin talaga niya yung buhok niya. Mukha na siyang tao.

“Ayysss, ba’t pink!” Reklamo ko.

“Huh..?” Tinitigan niya suot niya. “P-Pangit ba..?” Tinitigan niya ako nang may pagtataka.

“Hindi, hindi. Kelangan ko lang kasing tumerno sa’yo.”

“Ha? B-Bakit—m-magpapalit na lang ulit ako—“

“Di, wag na. Susuotin ko na lang yung polo kong kulay pink. Ays.” Agad na akong umakyat at nagsuot ng polo kong three-fourth sleeved.

“Where are we going, Rex..?” Mahina at mahinhin niyang tanong.

“Restaurant.” Maikli ko namang sagot habang nagda-drive.

“Restaurant..? Saan?”

“Oo. Sa Korean Restaurant. Birthday kasi ni Gio at dun niya napiling manlibre.” Puro Korean2 tae.

“Ahhh... O-Okay lang ba sa kanila na... Na kasama ako..?”

“Dadalhin ba kita kung hindi?”

“Ahh... Sige... Thank you.”

“Thank you saan?” Sarcastic kong tanong.

“Kasi... Isinama mo’ko.” Ngumiti siya, nasulyapan ko.

“K. Sya nga pala. Nandun si Anette. Act the same way you did last time, okay? Wag kang papalpak.”

“H-Ha?”

“Tanga ka ba o ano?” Inis kong sabi.

“Sorry... Kasi... Di ko gets...”

“Tanga ka nga. Pagseselosin natin si Anette.”

“But why?” Ay lintek na.

“Just do it, okay?! Wag ka nang magtanong at naiirita ako! Bwiset.” Binigyan ko na naman siya nang masamang tingin. Tumahimik na lang siya at tumingin sa bintana. Bad vibes naman ‘tong kutung-lupang ‘to. Tssss.

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon