Love or Kill 14: The Last Musketeer

1.2K 38 0
                                    

Love or Kill 14: The Last Musketeer

(Rexodus’ POV):

“Hello? Hello babe—“ Anette ano ba! Ilang araw ka nang di nagpapakita’t nagpaparamdam!

“Babe! Ano ba!” Inis kong dugtong.

“What??” Sa wakas sumagot na siya.

“Anung what? Ilang araw mo pa balak di magparamdam sa’kin?”

“Are you okay? Alam mo namang busy ako sa studies and career ko diba?” >:-|

“Kelan pa? Ha? Kelan ka pa naging busy when it comes to me?”

“Ibahin mo’ko ngayon, Rex. Marami akong ginagawa at wala akong time sa away na ‘to—“

“Hindi ako nakikipag-away, Anette. Nasan ka ba? Pupuntahan kita.”

“Busy ako—“

“PUPUNTAHAN kita.”

“Fine. Punta ka dito sa bahay.”

Nasa bahay lang pala nila siya, akala ko naman kung saan kasi kung makaBUSY naman siya wagas.

“Hello Mike?” Si Mike naman tinawagan ko. The last musketeer. Tae naman kasi. Si Herman pumalpak na agad sa unang paninira pa lang niya sa’kin. Eh sa hinayaan ba naman niyang magwalk out yung aswang na yun habang nag-uusap sila? Si Gio naman, bwisit, mukhang nadala yata sa kumag na babaeng yun! Hindi kabilang sa planong halikan niya kamay ng babaeng yun ah! Tsaka nagchange topic daw siya kasi mukhang naiiyak na si Virenika. Eh diba nga yun yung plano?! Na paiyakin siya’t saktan para mamatay na?! Bwisit talaga! >:-/

“B-Bro! Oh bakit?”

“Yung plano. Gawin mo na ngayon. Punta ka sa bahay tapos sabihin mo sa hilaw kong asawa na sinabi kong hintayin mo’ko.”

“O-Oh sige sige.”

Siya na lang ang huli kong pag-asa. Naks. I mean, sa mga katropa ko. Kasi sa kanila lang ako siguradung-sigurado at tiwalang-tiwala na magagawa nila yung gusto ko. Kaso sina Herman at Gio mukhang nadadala kay Ren eh. Tsk! Ano naman magpapadala sa kanila dun? Eh ampanget-panget nun! -____-

Ibinaba ko na cp ko tsaka ako bumaba sa sala.

“Rex..?” Sino pa ba?

“Alis muna ako.”

“Saan ka pupunta?”

“Paki mo?” Tss. Di na natuto.

“I-Ingat...”

“K.” Maikli kong sagot tsaka ako tumungo sa kotse ko. Manigas na siya dun.

Siya nga pala, di ko na-explain side ko nung nag I LOVE YOU ako sa kanya. Yaaakkk! -_-

X X X X X FLASHBACK X X X X X

“I love you.” Sabi ko sa kanya. -____-

*Blush* SIYA YAN.

*Blush* SIYA PA RIN YAN.

“I—“

“Wag kang sumagot. Di para sa’yo yun. Practice lang. Gusto ko kasing sabihin yun kay Anette.” Mahina kong pag-uudlot sa sasabihin niya. Nalaman ko kasing kilala na pala niya si Anette at mukhang apektado siya dun. Siya lang naman yung nakarinig kaya safe. Hm!

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon