Love or Kill 28: Conscience
(Rexodus’ POV):
ZzZzZzZ
*Yaaaawwwnnnn*
*Strrreeeettccchhhh*
“Aaaahhhhh....”
Minulat ko na mga mata ko. Umaga na... Aish. Ano ba ‘to. Ba’t ganito. Ba’t parang kinakabahan ako nang walang dahilan?
...Hindi naman galit si Renren sa’kin eh. Napatahan ko naman siya sa pag-iyak kagabi kahit wala akong sinasabi. Nakatulog din naman siya nang mahimbing... Pero bakit parang... Parang—
Aaaayyyy puteeekkk!! >:-/
Makalabas na nga. Tignan ko kung buhay pa rin siya! =/
Naglakad ako papunta sa kwarto niya. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at sumilip ako sa loob... Wala siya sa kama... Wala din siya sa sofa... Pumasok na lang ako. Baka nasa banyo...
*Knock Knock*
“Ren?”
...
...
“Ren, nandyan ka ba?”
...
...
*Sigh*
Binuksan ko yung pinto ng banyo at tinignan ko siya sa loob...pero wala din siya.
Kalmado akong bumaba sa sala. Hinalubhob ko ng tingin ang buong living room. Wala siya. Sa kusina ako sunod na tumungo pero wala din siya. Tahimik ang loob ng bahay... Nakakabinging katahimikan...
Sa Garden... Bakante ang mga upuan at walang kumakausap sa mga bulaklak... Wala siya.
Last... Sa pool...
...
...
...
Sh*t.
Baka naman may pinuntahan—
“Sir Rexodus. H-Hinahanap niyo po ba si Nika?” Napalingon ako.
“A-Ate Nene...” Nagdadabog dibdib ko. Ayoko sa ganitong sitwasyon.
“Nasa ospital po siya, sir.” Bigla niyang sabi. O_O
“Ospital?? B-Bakit?? Anung ginagawa niya dun—“
“Kanina po kasi nung ginigising ko siya, hindi siya nagre-react... Tsaka yung pulso po niya sobrang hina...”
What the... Fck...
“S-Sige...” Sagot ko sabay lakad—
“Sir Rexodus... Sana po wag niyo nang saktan yung nararamdaman ni Nika... May taning na kasi siya... Nakakaawa na siya.” Mahina at nanginginig na pakiusap ni Ate Nene.
Natahimik ako at napahinto...
Taning...
“K.” Umalis na’ko.
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?