Love or Kill 30: The Beginning

1.2K 37 0
                                    

Love or Kill 30: The Beginning

 

(Rexodus’ POV):

Sorry nagsinungaling ako. Sabi ko kukuha lang ako ng kotse pero heto ako, nagbibihis pa ulit. Naligo ako ulit ang init na kasi. Kanina hindi pa, ngayon sobrang-sobra na.

“Ate Nene?? Nakita niyo po ba yung relo ko??” Tanong ko kay ate Nene na kasalukuyang nagliligpit ng mga gamit namin.

“Nasa loob po ng drawer sa kwarto niyo.”

“Sige po. Salamat.” Sagot ko tsaka ako bumalik ulit sa kwarto.

Pinagbubukas ko lahat ng drawer sa kwarto pero hindi ko mahanap yung relo ko. Ewan, hindi naman ako palasuot ng relo pero ngayong araw na ‘to nagkakandarapa akong hanapin yun na parang ewan—

Gotcha!

Nakita ko na, hehe. Dali-dali ko itong dinampot at sa sobrang dali-dali ko ay pati yung ibang laman ng drawer nadampot ko rin. Nahulog pa sa sahig yung iba. Anak ng teteng, kung kelan pa ba naman ako nagmamadali!

Sige, dahil mabait ako ngayong araw, ibabalik ko ang mga nahulog na mga papel sa drawer. Bahagya akong umupo para pulutin yung mga nakakalat sa sahig. Sa kabilang banda ng sahig, may mga pictures. Pagkalagay ko ng unang batch ng mga papel sa drawer, yung mga pictures naman yung pinulot ko.

Mga picture ni Virenika. Pinulot ko ang mga yun at tumayo ako. Tinitigan ko ang mga retrato... Syempre, nakangiti siya... Oo, nakikita ko rin siyang ngumingiti lalo na pag inaaway ko siya. Imbes na umiyak o sumimangot siya, ngumingiti na lang siya. Ewan ko ba dun, may sayad yata sa utak—

*_*

Yung poster niyang nakadikit sa malaking pader ng University namin... Hindi! Hindi poster. Parang copy yata nung picture niyang yun. Tatlumpong beses na mas liit nga lang ‘to.

Napahinto ako. Nakatitig lang ako sa picture. Sa mukha niya...

“She’s in the hospital right now at hindi mo pa siya nabibisita. Do you know how sad she is habang nag-iisa siya dun ngayon?”

Ba’t ka mag-isa, Ren...?

“Si Virenika ang iniisip mo, dahil nasanay kang nandyan siya kahit tinataboy mo siya.”

Gising ka na ba? Gigising ka pa ba..?

Ba’t mo’ko sinanay..?

Para akong pokpok na nakatitig pa rin sa picture. Lahat ng gusto kong sabihin at itanong, nasa isip ko lang. ‘Lam ko nagmamadali ako kanina. Pero ewan ko kung bakit parang wala na ako sa isip ko ngayon. Antagal kong nakatunganga dito.

At heto na naman, napatitig na naman ako sa retrato.

X X X X X FLASHBACKS X X X X X

"H-Hi, Ako si...V-Virenika..." Nauutal niyang pakilala sabay lahad ng kamay niya sa'kin. 

"Rexodus." Tinitigan ko lang yung kamay niya. Medyo nanginginig siya.

Ah, the first time na nakita ko siya...

--------------------------------------------------------------------------------

“L-Lalagyan ko lang naman n-ng ano... N-Ng gamot...” Pinisil niya ang isang ointment at inilapit niya yung daliri niya sa bibig ko...”

Ren... Pwede ba, tama na? =/

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon