Love or Kill 4: Breathe
(Virenika’s POV):
“Ha? May sakit ka, ate??” Dinampi ko kamay ko sa leeg ni ate (yung cook namin). “A-At kayo din po??” At dun naman sa taga-ayos ng mga gamit at taga-linis ng bahay namin.
“Oo, Ma’am Nika. Pasensya po talaga. Nahawa ko yata itong si Nene.” Paliwanag ng cook namin.
“N-Naku wag po kayong mag-alala, marunong naman akong magluto eh! Tsaka ako na muna aayos ng mga gamit namin ni Rexodus.” Ngumiti ako sa kanila.
“S-Sigurado po ba kayo? B-Baka po magalit si Sir Anton?”
“Don’t worry mga ate, he won’t know. If he will, ako bahala.”
“S-Salamat po talaga M-Ma’am.”
“No problem. Pagaling po kayo ha?” Ngumiti sila sa’kin. Ayokong tratuhin silang parang katulong talaga. I want to be their family dito sa bahay na ‘to.
Lumabas na ako sa kwarto nila at pumunta ako sa kusina. Actually kakatapos ko lang din magluto. I took up cooking lessons at home. Simple lang—may chef na pumupunta sa bahay then dun niya ako tinuturuan. We have complete food stocks and cooking tools naman eh so no problem with home cooking classes.
*Creeaakk*
Napalingon ako. Oww, 8 pm na.
“Rexodus... G-Good evening.” Bati ko sa kanya habang papasok siya. Hindi siya umimik at dumiretso siya nang upo sa sofa.
Lumapit ako sa kanya.
“D-Dinner ka na...” Anyaya ko.
“Tapos na’ko.” He coldly responded.
“H-Ha? S-Saan—“
“Ah basta tapos na’ko.” Tinatanggal niya yung mga sapatos niya.
“R-Rex—if you don’t wanna e-eat with me, fine. Mauna ka nang kumain. I’ll go upstairs now.” Ngumiti ako sa kanya bago ako umakyat papuntang kwarto ko...
Sh*t... I need some oxygen right now.
(Rexodus’ POV):
“R-Rex—if you don’t wanna e-eat with me, fine. Mauna ka nang kumain. I’ll go upstairs now.” She smiled. Nakuha pa talaga niyang ngumiti ha! Mabuti naman at natauhan na talaga siya. Makakain na nga.
Tumungo ako sa mesa at binuksan ko yung bowl na nilalagyan ng ulam. Wow fried chicken. Ang bango naman. *Grin*
*Bite*
*Chew Chew Chew*
O___O Ansarap naman nito! Kakaiba yung lasa. Parang maanghang na sobrang juicy. May herbs yatang nilagay yung tagapagluto namin sa manok—o di kaya’y ginalingan niya yung pagmarinate. Grabe ansarap talaga.
Nakadalawang plato ako dun ah! Haha. May maganda naman pala akong mapapala dito sa bahay na ‘to. PAGKAIN. :D Pagkatayo ko ay tamang-tama din yung pagdating ni Renren.
“Tapos ka na ba?”
“Di halata?” Malamig kong sagot tsaka ako uminom ng dalawang basong tubig. Nakatayo lang siya sa entrance ng dining area. “Isang piraso na nga lang pala ng fried yung natira diyan.” Sabi ko bago ako naglakad palabas ng kusina.
“Ha? O-Okay lang... Hindi naman ako kumakain niyan eh...” O_o Napahinto ako.
“Ano? Ang sosyal mo naman.”
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?