(Rexodus' POV):
Umaga na. Nandito pa rin ako kina Mike.
"Oh pre, nandito ka pala." Sabi ni Jace pagbaba niya. Younger brother siya ni Mike.
"Hindi, wala. Retrato ko lang 'to."
"Haha, lul. Kain muna ako." Tumungo siya sa mesa.
Sa tropa ko--ako, si Mike, si Herman at si Gio--hindi kasama si Jace sa'min. Pero masasabi ko namang mabuti siyang kaibigan. Mas maaasahan pa nga yun kesa kay Mike. Magkaedad lang kami. Si Mike 19 na. La lang, pinapakilala ko lang si Jace at Mike ng konti. Baka kasi ma-curious ka sa kanila.
Biglang bumukas yung main door at nakita ko pagmumukha nung erpats nina Mike.
"Orion."
"Rex na lang po--"
"May sumusundo na sa'yo." Tinitigan niya ako nang nakakatakot. Napalunok na lang ako.
"S-Sina papa po ba?"
"Hindi. Hindi ko siya kilala pero marami siyang kasama." Lumapit siya sa'kin. "Orion, ayaw ko ng gulo, alam mo yan." Taena, nakakatakot mukha ni tito. Hindi ko naman papatulan 'to eh.
"Pero tito ayoko po--"
"Nakikiusap ako sa'yo, Orion. Wag niyo kaming idamay sa gulo niyo."
"Pa? Anung nangyayari?" Lumapit si Mike.
"Wala." Umaliwalas mukha ni tito. "Nagpapaalam lang si Orion sa'kin. Uuwi na daw siya."
"Ha? Uwi ka na agad pre?"
"O-Oo, uuwi na ako. Hinahanap na'ko ni lola eh... S-Sige pre, una na'ko. Pakisabi na lang kay Jace." Ngumiti ako nang pilit. "Sige tito, una na'ko. Pakisabi kay tita maraming salamat..." Tumango siya.
"Ingat ka pre." Ngumiti din si Mike.
Lumabas ako nang bahay. Napabuntung-hininga na lang ako. Alam ko kung sino yung sumusundo sa'kin ngayon...
Walang iba kundi si Mr. de Ayala. Pursigido talaga siyang gawin yung gusto niya. May magagawa pa ba ako? Hindi ko alam kung ano yung kayang gawin ng taong yun--di lang sa'kin kundi pati sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at kay Anette.
"Rexodus. Kumusta?" Nakangiting bati ni Mr. de Ayala. -___-
"Sa tingin mo? Ba't nandito na naman kayo?"
"Diba nga sabi ko sa'yo, kahit saan ka pa magpunta, mahahanap kita. Sasama ka na sa'min. Hindi mo kasi binasa yung kontrata, umalis ka kasi agad nung huli tayong nagkita. Yan tuloy, kami na lang ng tatay mo yung nagdeal tungkol dun." Sinenyasan niya yung mga tauhan niya. "Kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa'min."
Hindi na ako nakasagot dahil pinaghihila na ako ng mga tauhan niya. Gusto kong magwala. Gusto kong magsisigaw. Gusto kong pumalag at tumakas ulit at magtago sa lugar na hinding-hindi nila ako matatagpuan pero hindi eh.
Hindi ko na yun magagawa kasi... Kasi wala na, naipasok na nila ako sa sasakyan. Mga apat yung kasama niyang sumundo sa'kin. Hindi ako natatakot sa kanila kaso alam ko namang kahit lumaban ako, wala pa rin akong magagawa. Dito at dito pa rin 'to mapupunta, so what's the point of fighting? -___-
"Yung mga gamit ko--"
"Meron ka na dun sa bago mong bahay."
"P-Pano--"
"Binigay na ng lola mo yung mga gamit mo sa'min kahapon. Wag ka nang mamroblema, everything's set."
Tumahimik na lang ako at inekis ko mga kamay ko habang nakatingin ako sa bintana ng kotse. Wala na, sira na buhay ko. I'm helpless. Sarili kong pamilya pinabayaan ako, pinamigay ako. Si Anette lang naman yung pinoproblema ko eh. Malamang masasaktan yun pag nalaman niyang... Hais!
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?