Love or Kill 15: Attempt

1.1K 36 0
                                    

Love or Kill 15: Attempt

 

(Rexodus’ POV):

“Oh bro. Ang aga mo ah?”

“Mike? Anung ginagawa mo? Nasan yung aswang?” Tanong ko kay Mike nang makita ko siyang naghahanda ng pagkain sa mesa.

“Ba’t ang aga mo?”

“Si Anette kasi halos di na ako makausap dahil sa mga ginagawa niyang requirements at projects. Tae. Teka, nasan na ba yung kumag na babaeng yun? Ba’t ikaw naghahanda diyan?”

“Nandun sa kwarto niyo, tulog. Inatake eh.” Sagot niya.

“INATAKE?!”

“Oh bakit? Yun gusto mo diba? Tsk tsk.”

“Bakit di na lang NAMATAY?! Tang’nanay naman! Mapuntahan ko nga nang matuluyan na!” Sabi ko tsaka ako padabog na umakyat papuntang kwarto ko.

*Creeeaakkk*

“Hoy babae—“ O___O “Jace?! Anung—bakit ka nandito kasama niya?!”

“Ha? Eh kasi muntik na siyang maubusan ng hininga—“

“Ano ba! Bakit ka pa ba kasi sumama dito! Di ka kasama sa plano!” Sigaw ko sa kanya. Bwisit! “Tinulungan mo ba siya??”

“O-Oo! Dinala ko siya kanina sa room niya at nilagyan ng oxygen mask bago ko siya inilipat dito.” -_______- Nak ng balut na walang sisiw naman oh!

“Ano ka ba naman, Jace?? Diba nga yun yung plano namin?? Na saktan yung damdamin niya para mamatay na siya!”

“Ano ka ba, Rex? Wala namang ginagawang masama si Nika ah?” Tumayo siya.

“Ano ba’ng alam mo?!” Inis kong sigaw. Pakialamero eh! =|

“Ang alam ko, mabuting babae si Nika.” Aba matindi!

“Oh edi ikaw na lang asawa niya!”

“At ang alam ko, sinasayang mo lang ang pagmamahal ng isang taong mamamatay na, kaya TANGA ka, bro. TANGA ka!” Inis din niyang dugtong tsaka siya lumabas at tuluyan nang nawala sa paningin ko. Anung... Anung pinagsasabi nun?

Tulog nga si Miss Bwisit. Lumapit ako para i-check yung pulso niya.

*Dub...Dub...Dub...*

Tsk. Buhay pa rin talaga. -____- Bakit kasi di na lang tumigil ‘to nang matapos na rin ‘tong kahirapan ko. =/

“Mmm...” She moved. Umurong ako at tumayo nang maayos. Dahan-dahan naman niyang binuksan yung mga mata niya...

Kelan pa ba matutupad yung hiling kong habambuhay na lang pumikit ang mga yan?

“Rex...”

“Bangon ka na. Kakain na.” Sabi ko tsaka ako tumalikod at umalis. Bwisit.

Palpak na naman ba si Mike? O masamang damo lang talaga yung babaeng yun? =|

Errrr.... Tsk!

Sino pa ba? Ayaw niya kay Herman, habulin ng babae yun. Walang epek din si Gio sa kanya, mas lalong habulin ng babae yun. Tapos si Mike? Pati si Mike na halos babae na nga manligaw dun, wala ring binatbat sa kanya?! Nak ng teteng naman ba’t ba ako talaga?! Bakit?! Putch@@@@!! -________________-

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon