Love or Kill 5: Another Deal

1.3K 44 4
                                    

Love or Kill 5: Another Deal

(Virenika’s POV):

“Nika, pag-isipan mo muna nang mabuti yan!” Sagot ni papa sa sinabi ko.

It’s been more than a week since nagsama kami ni Rexodus sa bahay namin. The first week syempre lagi siyang nasa bahay kasi BAWAL siyang umalis. But after the first week, lagi na siyang umaalis nang walang paalam. Lagi na siyang ginagabi nang uwi. He’s become even colder that I feel like freezing already. Sobrang boring ng buhay ko sa Ayala Homes. Wala akong kausap, wala akong kasama. Yung mga maids kasi busy naman at syempre kelangan din nilang magpahinga after their work kaya wala na silang time para makipagbonding sa’kin.

I’m like a living dead...

“I’ve decided, dad.” Diretso kong sagot.

“Pero paano pag inatake ka dun?”

“There’s always a school clinic.”

“Nika—“

“I want to go to school dad. I want to study with Rex.” Nakatungo lang ako.

“Is your decision final?”

“Yes, dad.”

“Okay. I will take care of everything.” He smiled at me.

“Thanks dad!” I smiled back and hugged him. ^_^

“You’re always welcome.”

(Rexodus’ POV):

“Lola! B-Bakit po kayo nandito?” Tanong ko kay lola matapos ko siyang yakapin. Nandito kasi siya ngayon sa bahay.

“Ha? Ikaw talagang bata ka! Susukatan ko yung mapapangasawa mo, eh magpapagawa daw siya ng school uniform!” Sagot ni lola. O_O

“Anung school uniform, la? B-Bakit?”

“Yun sabi ng papa niya eh. Nakow mabuti nga yon para may kita naman ako. Hehehe.”

“Good afternoon po lola!” Napalingon kami.

>:-|

“Oy, magandang hapon din hija! Halika, halika!” O__O Ba’t ang bait ni lola sa kanya? Ansungit niya kay Anette ah?

“Sorry talaga lola ha, sabi ko naman kasi kay dad iba na lang kasi baka po maabala ko pa kayo—“

“Naku, naku! Hindi! Ano ka ba, masaya nga akong ako yung kinuha niyo. Oh sige susukatan na kita ha.” Lumapit siya kay Renren. Ay putek di ako makapaniwala! O_O

“Sigurado po ba kayong okay lang lola?” At ang animal kumportable namang kumausap sa lola ko!

“Oo nga, la. Baka mapagod ka pa niyan.” Singit ko. Pesteng babae talaga ‘to pati si lola dinadamay pa—

“Asus basta ganito ka-cute yung gagawan ko ng uniporme, ayus lang yun!” Sagot ni lola habang sinusukatan niya si Renren. O___O

“CUTE?!” Sigaw ko. Napatingin silang dalawa sa’kin.

“Oh eh baket ha? Hindi ka ba nagagandahan dito sa mapapangasawa mo? Ay naku mas malabo pa yata iyang mata mo sa mata ko eh.” Binara pa’ko. -___-

“Teka nga, teka nga! Hoy babae.” Kinalabit ko si Renren. Lumingon naman agad siya.

“Y-Yes Rex?” Yes Rex? Nye nye ulo mo!

“Bakit ka ba magpapagawa ng uniform, ha? Anung trip ba yan?”

“I-I’m going to s-school next Monday, Rex...” O_______O

“Ano?!”

“Ano ba apo! Ba’t sigaw ka nang sigaw diyan! Hindi kami bingi ni Nika!” Saway ni lola.

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon