Love or Kill 38: Invited
(Rexodus’ POV):
Tatlong araw na kami sa resort. Tuwing gabi lang kami pumupunta at naliligo sa pool at beach, masyado kasing conscious sa skin color mga kasama ko eh. Sa ngayon, gumagawa kami ng sand castle. By pair kami. Mamaya magja-judge yung mga empleyado ng resort kung saan mas maganda sa dalawang castle—kung yung sa’min ba ni Renren o yung kina Niel at Hazel.
“Uyy ano yang ginagawa mo?” Tanong ko kay Virenika.
“Tao. Ikaw at ako ‘to.” Sagot niya. Yung attire niya pang surfboard. Di ko siya pinayagang mag-two piece eh. Haha.
“Oh sige, gandahan mo yung pagkagawa sa lalaki ah??”
“Oo naman!” Nakangiti niyang sagot sa’kin. “Tatalunin natin yung dalawang yun! Haha!” Itinuro niya sina Niel at Hazel na halos hindi pa rin nakakapagsimulang gumawa dahil hindi sila magkasundo. Haha.
Mga isang oras ang lumipas, natapos na namin ni Renren yung castle. Sina Hazel half pa lang.
“Ano ba yaaan antagalllll!” Kantyaw ni Ren sa dalawa.
“Waiiiitt! Matagal kaming gumawa kasi da’best ‘to! Hmpf!” Sagot ni Hazel. Haha.
Napatingin ako kay Virenika... Hmmm?
“Pssst!” Tinapunan ko siya ng shell. Haha.
“Waah?? What??” Tinapunan din niya’ko.
“Gagawin kitang sirena.” Lumapit ako sa kanya.
“Ha? Panooo?”
“Umupo ka tapos ituwid mo mga paa mo, dali.”
“Sigiii! <3” Excited niyang sagot tsaka siya umupo gaya ng sabi ko. :D
Sinimulan ko na yung paglagay ng buhangin sa paa niya. Maaga pa naman kaya healthy pa yung init. :D
“Halaaa, di ko na maigalaw legs ko.”
“Syempre tinambakan ko ng buhangin eh.” Sagot ko habang hinuhulmahan yung buhangin para magmukhang buntot ng sirena. Naaaliw ako ah, putek.
“Hihihi! Ang galing naman.” Napasulyap ako sa kanya. Ang liwa-liwanag ng ngiti niya.
“Ako pa!” Sagot ko na lang.
“Oh my gosh! Nikkaaa! Si Jace oh!” Sigaw ni Hazel. Napalingon kaming dalawa sa hotel. O_O Si Jace nga! At si Gio?!
“Omoooo! JACEE!” Biglang tili ni Virenika at—
*Poooof*
Pwersado siyang tumayo at tumakbo papunta sa lalaking yun.
O.O
Q.Q
O.O
Q.Q
>.<
Nasira yung buntot!! P*tang *na naman eh! Anhirap-hirap kayang gawin nunnnnn!! >:-|
“Peste!” Bulong ko sa sarili ko sabay hakop ng buhangin at tinapon ko ito sa kawalan.
Sinundan ko na lang siya. Bwiset, tumakbo pa talaga ha? At yun oh! Nakayakap siya na parang linta kay Jace! Anlaki ng ngiti ah? Si Gio naman nakatayo lang at nanonood din sa kanila.
Lintek na! Dahil sa kanila nasira yung ginagawa ko! >:-/
“Oh mga bro, ba’t nandito kayo?” Kalmado kong tanong sa kanila.
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?