Love or Kill 19: Ren?!

1.2K 35 3
                                    

Love or Kill 19: Ren?!

(Rexodus’ POV):

*Riinnngggg*

*Riinnngggg*

*Yaaawwwnnn*

“Ang aga-aga eh...”

“Hello? Sino ‘to?”

“Bro, si Mike ‘to.”

“Oh Mike bakit?” Ansama ng panaginip ko kagabi ah. Tungkol kay Anette at Mike.

“Pwede ba tayong mag-usap mamaya? Yung tungkol kay Anette...”

O_______O

Teka, teka, hindi yun panaginip?!

“Hoy put*ang *na! Anlakas naman ng loob mong—“

“Sa tambayan mamaya bro, 4pm, hihintayin kita. May mahalaga akong sasabihin sa’yo.”

At ibinaba na niya yung telepono.

Aba lang’ya ah?! May kelangan pa ba akong marinig mula sa kanya matapos niyang gawin sa’kin yun?! Katropa ko siya tapos gagawin niya yun kay Anette?! MATINDI!

*Knock Knock Knock*

At sino namang hayup yung kumakatok?!

“Bukas yan!!”

*Creaaakkk*

“Sir? Nakita po ba ninyo si Ma’am Nika? Nakahanda na po kasi pagkain niya, wala siya sa kwarto niya...”

“Aba malay ko ba dun! Paki ko naman dun?! Di ko alam kung nasan siya!” Naiinis kong sagot sa taga-luto namin. Bwisit ang aga-aga pangalan na naman ni Ren pinarinig niya sa’kin.

“Okay po sir...” Isinara niya yung pinto.

Teka nga? Nasa Ayala Homes na’ko? Nasa BAHAY NAMIN ni Ren?? Teka—p-pano ako napunta dito?

*Think*

Tae, ba’t wala na akong maalala sa nangyari kagabi?

“Ayyshhh, nalasing siguro ako. Ansakit pa ng ulo ko.” Tumayo na’ko at pumasok sa banyo. Makapaghilamos na nga—O_O

Ano ‘to?!

Bakit ako may sugat?!

*Touch*

“Haayy! Ano na naman ba kasi nangyari! May nakaaway ba ako kagabi?! Pffft!” Hinugasan ko na lang yung sugat ko nang matanggal na yung tuyong dugo. Nagmumog na din ako at naghilamos ulit.

*Step*

*Step*

Nasan na ba yung pesteng tuwalya—

O_____O

Dugo?! Sa sahig?!

*Lingon*

*Lingon*

Teka nga! Ba’t ang gulo nitong banyo ko ngayon??

Tsaka yung ilaw, nakabukas pa! Pumasok na naman siguro si Ren dito! =/

“Hayy asar, ang aga-aga andami ko nang iniisip!”

*Yaaawwnnnn*

“Makaligo na nga lang.

Naglakad ako patungong bath tub para magsimula nang maligo. Mas maganda siguro pag maginaw yung tubig para mawala yung sakit nitong ulo ko—

WTF?!

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon