Love or Kill 29: Her Absence
(Rexodus’ POV):
“Hello ma?”
“Rexo. Good morning anak.”
“Good morning din po. Bakit po kayo napatawag?” HIMALA.
“Nandyan ba wife mo nak??”
“Si Renren po?”
“Yeah, I need to talk to her. Di ko kasi siya macontact.”
“Ahhh. Saglit lang, tawagin ko lang po siya.”
Tumawag nga SA’KIN, pero si Ren naman ang kakausapin. Ay lul si mama. =/
Dali-dali akong humakbang papuntang pool.
“Ren, gusto ka daw kausapin ni—“
Tahimik... Maaliwalas. Mahangin.
Walang tao.
O_O
-___-
=___=
=/
Puset!
“Hello ma? Wala pala si Ren dito.”
“Where is she?”
“Sa...” Pag sinabi kong nasa ospital siya ngayon, patay ako.
“Rexo?”
“S-Sa school po!”
“Anung ginagawa niya dun eh diba la na kayong klase?”
“M-Meeting po para sa modelling nila.” PALUSOT. Ayyysss sana wag nang magtanong pa si mama.
“Ah... Sha sige, ikaw na lang pumunta dito sa *Insert name* Restaurant.”
“Okay po. Punta na po ako.”
Nagbihis na lang ako ng damit. Nakaligo na rin naman ako kanina pa. Haay... Amboring sa bahay... Pero di ko naman alam kung saan ako pupunta. Wala na si Anette, si Mike din. Si Gio din—tsaka si Herman... Yung babaeng inaalaska ko dito sa bahay sumuko na rin yata... Hahaha... Wala... Mag-isa na’ko.
Matapos kong magbihis ng damit, nagpaalam na ako kina Ate Nene at Ate Linda. Nilakad ko na lang yung Restaurant. Malapit lang naman tsaka hindi naman mainit. Gusto ko lang pagurin sarili ko... Para mamaya pagdating ko sa bahay matutulog na lang agad ako.
*Sigh*
Para naman akong patay neto. Bwiset. Di pa naging ganito kaboring buhay ko. Ngayon lang talaga—
“Edi kausapin mo’ko para di ka mabagot!” Biglang may tumalon sa tabi ko!
“Huh??!!!!” Medyo gulat kong reaksiyon at napalingon ako.
“Oops! Hihihi! Hello Rexo!” Nagpacute pa siya at kumaway.
“Yumi?! Ba’t ka andito?!”
“Eh nandito ako eh.”
“Ikaw na babae ka--!”
“Oh kalma puso! Mamaya magka-heart failure ka rin niyan eh. May pupuntahan lang ako dun. Sabay na tayo.” Ngumiti siya at hinila niya ako.
“Aminin mo nga sa’kin, ba’t andami mong alam?”
“Secret. Basta ang dapat mong problemahin, paano mo maiiwasang isipin si Renren mo.” Ngumisi siya. Ayyttsss sasakalin ko na ‘to eh!
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
عاطفيةPaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?