Love or Kill 12: First Musketeer

1.2K 39 1
                                    

Love or Kill 12: First Musketeer

 

(Rexodus’ POV):

Iniwan ko na si Renren dun kasama ng tatlong daga sa cafe. Sila na bahala dun. Sana naman makuha nila loob ng kumag na yun. Papunta ako ngayon kay Anette. Nasa ice cream corner kasi siya ng hotel eh. Favorite kasi nun yung ice cream.

Ahhh... Tanaw ko na siya mula dito. Nakaharap kasi siya labas at crystallized yung paligid ng room kaya kitang-kita ko yung kagandahan niya. Napangiti ako. Tae. Sobrang miss ko na yang babaeng yan...

Lumakad na ulit ako papunta sa kanya. Nakatingin lang siya sa cp niya at may kakaiba sa mukha niya—di ko lang maexplain. Sino naman katext niya—

“Babe!” She rattled as she saw me. Tumayo agad siya at humalik sa pisngi ko.

“Babe. Sino yung katext mo?”

“H-Ha? Ah, si mommy yun.” Umupo na ulit siya.

“May problema ba?” Umupo na din ako.

“W-Wala naman...” Eh ba’t... Tsk, hayaan na nga natin.

“Ahh...” Tangi kong sagot habang nag-aalangang nakatitig sa kanya. Something’s wrong... “Na-miss kita, babe.”

“I missed you too.” Sagot niya. Hmm... Ba’t ganito?

“Gusto mo ng ice cream, I know. Coffee caramel toffee?” Paborito niya yun eh. Maging sweet na lang ako sa kanya.

“Uhh, no. Cookies ‘n Cream.” She said habang kinakalikot pa rin yung phone niya.

“Huh—Okay.” Tumayo ako para umorder sa counter. Hmm. Kelan pa siya nagkaroon ng interes sa Cookies ‘n Cream? Sa dalawang taon at sampung buwan naming pagiging magsyota, Coffee, Caramel, Coffee caramel Toffee, at Rocky road lang yung kinakain niya. Hate daw kasi niya yung cookies.

Matapos kong umorder, bumalik na agad ako sa kanya dala yung ice cream.

“I’m back, babe.” Nilakihan ko ngiti ko. Hindi pa siya tumingin kasi in-off pa niya phone niya.

“Thanks babe.” She smiled pero hindi ko ma-gets yung smile na yun.

“Halika subuan kita...” Sabi ko sabay subo sa kanya ng ice cream—

“Wag na, kaya ko naman—“ O.o

“I insist. Sobrang na-miss kita kaya pagsisilbihan kita ngayon.”

“Okay...” Ngumuso siya sabay subo nung ‘sang kutsarang ice cream. “Ansarap.” Ngumiti siya. Masarap...? Kelan pa siya nasarapan ng Cookies ‘n Cream?

“Very good.” Oh isa pa...

“Aaaahhhh.... Hehehe.” Ang ganda talaga niyang ngumiti... Paulit-ulit akong naiinlove sa babaeng to. Sana ganito na lang kami habambuhay. Siya lang yung gusto kong kasama eh.

(Virenika’s POV):

“So magkaedad pala tayo?” I asked Jace as we headed inside the hotel. Okay na kasi yung pakiramdam ko.

“Yes. Mabuti naman at nakita ulit kita. Ako na lang magbabantay sa’yo.” Nakangiti niyang sagot.

“Jace Corpus, di na ako bata.”

“Kahit na. Mas dapat ka pa ngang alagaan—“

“Don’t make me feel worthless—“

“Huh?! H-Hindi naman! S-Sorry kung yan yung na-feel mo sa sinabi ko! I just want to—“

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon