Haay naku, Sabadong-Sabado talaga ngayon. Mahabang weekend 'to. Bawal kasi akong umalis ng bahay ngayong first week ng pagsasama namin. Bonding daw. Ano yun? Malaking joke? Pwes, walang ganung mangyayari.
Nandito ako sa sala, nakaupo sa sofa at nakapatong sa center table yung mga paa ko. Nanonood ako ng basketball sa TV habang kumakain ng chips. Kung si Anette siguro yung kasama ko dito, sobrang saya na siguro namin ngayon. Perfect na buhay ko kung ganun--magandang bahay, maraming pagkain, at magandang fiancee. Kaso itong hinayupak na 'to pa kasi yung naging fiancee ko kaya heto, ansama ng araw ko. Sobrang nakakabagot talaga dito, ampupu! -___-
"Shooot mo na!! Shooottt!" Sigaw ko habang nanonood. "Yeeeesss!! Whoooo!" Nanalo yung team na pinustahan ko! Yes!
Tinawagan ko agad si Gio (isa sa mga katropa ko).
"Hello bro? Oh ano? Butas bulsa mo nyan! 500 ko? Hahaha!"
"Tae! Oo na, oo na! Sa Lunes na lang! Andayaa!"
"Anung madaya! Klarung-klaro yung pasok bro! Haha! Sige sa Lunes ha!"
"Oo na! Kainis! Haha!"
"Sige, bye. Haha."
*Toot*
Ngayon lang ulit ako nakangiti mula kahapon. Eh paano naman kasi? Sobrang boriingg dito! Hindi ko pa rin kinakausap si Virenika--tae ang haba ng pangalan! -__-
Kanina pa siya nakaupo sa comfort chair habang nakatitig sa'kin. Ano ba talaga problema ng utak nitong babaeng 'to? Mula nung umupo ako dito hanggang sa natapos na yung game na pinapanood ko, nakatitig lang talaga siya sa'kin. Hindi naman siya maldita manitig, normal lang naman. Pero kasi nakakainis isiping panay yung tingin niya sa'kin. =/
"Sir Orion--"
"Rexodus." Sagot ko.
"A-Ah. Sir Rexodus, Ma'am Nika, handa na po yung pagkain. Kain na po kayo." Sabi ng tagaluto namin tsaka siya bumalik sa kusina.
"Buti naman at luto na. Tss." Bulong ko sabay tayo at alis. Hindi ko na pinansin si Viren--Ren-Ren na nga lang! Tae namang pangalan yan! =/
Yung mesa good for 4 persons lang kaya hindi masyadong malaki. Kumain na agad ako. Bahala na yung babaeng yun.
*Munch Munch*
Ansarap pala magluto ni ate ah? :D *Munch*--
"Rex..?" Napatingin ako sa nagsalita. -_- Si Renren. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain. Umupo siya sa harap ko at kumuha ng makakain. Tsk. Bibilisan ko na nga lang kumain! Mamaya masuka pa ako dito.
*Munch Munch Munch* *Chew Chew Chew* *Gulp*--
*COUGH* *COUGH* *COUGH*!!
Tae nabibilaukan ako!
*COUGH* *COUGH*
"U-Uminom kang tubig..." Inilagay niya sa harap ko yung basong may tubig.
*COUGH* *COUGH* *COUGH*
Hindi ko yun kinuha. Tumayo ako at kumuha ako ng sarili kong tubig habang patuloy na umuubu-ubo. Mamaya may gayuma pa yung binigay niya eh.
"Next time, take your time when you eat." Bigla niyang sabi. Aba matindi!
"Sinung nagsabi sa'yong pwede mo'kong kausapin?" Malamig kong sagot sa kanya. Natahimik na lang siya at yumuko.
Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umakyat sa kwarto ko. Oo, kwarto KO kasi magkaiba kami ng kwarto. Hindi ako tatabi sa kanya noh. Yak! Matawagan ko na nga si Anette.
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?