Love or Kill 31: Tears and a Smile
(Rexodus’ POV):
*Silence*
*Silence*
Tulala lang siyang nakatingin sa’kin. Nakatingin lang din ako sa mukha niya, naghihintay na magsalita na siya ulit... Parang ako yung nahihirapang huminga habang pinapanood ko siya eh. Yung pag-inhale at exhale kasi niya kakaiba—parang anlalim niyang huminga na parang nasasaktan siya sa bawat hanging nalalanghap niya.
...
...
“Okay na, Rex... Pwede ka nang magtanong ng kahit ano...” Bigla niyang sabi sabay galaw.
“Sure ka..?”
“Yeah... It’s okay. Kaya ko na...” Bahagya siyang ngumiti... Okay then. Marami akong itatanong. Alam kong parang mali yung timing ko pero hindi ko na kayang tiisin lahat ng pagtataka ko.
“So... Nasan yung bantay mo..?” Umpisa ko.
“Wala...akong bantay eh...” Inayos niya nang marahan yung buhok niya.
“Ha? Bakit? Day-off ba nila ngayon..?”
“H-Hindi... W-Wala naman akong kasama dito...since I was brought here...” O.O The hell??!
“Ha?? Bakit?? Eh bakit di mo pinapunta sina ate Nene at ate Lindz?” Naku-curious ako lalo.
“Eh... Ayokong mag-isa ka sa house... And I... I can take care of m-myself...” Namumula na naman siya.
“Tsk. Anung you can take care of yourself? Tingnan mo sitwasyon mo oh! Nahihirapan ka nang huminga, ampayat mo na, namumutla ka na! Pano mo matutulungan sarili mo niyan! Pano pag inatake ka bigla!” Singhal ko sa kanya. Natameme na lang siya at napanganga habang nakatitig sa’kin...
Maya-maya ay yumuko siya... Naiiyak na naman ‘to, alam ko.
...
...
...
Aiiiissssttt! -__________-
“Oh sige na pasensya na.” Kinamot ko ulo ko tsaka ako ulit humarap sa kanya. “Yung papa mo? Kahit isa sa mga kapatid mo... Wala talagang nagpunta sa’yo dito ni isa..? Grabe naman yun.” Umub-ob ako sa tabi niya. Ambango ng higaan niya ah? Hehehe.
“No... They don’t care... Natutuwa pa nga yung...mga yun na malapit na’kong...mamatay...” Mahina niyang sagot. Napabangon naman agad ako!
“What? Imposible naman yun. Kahit busy sila wag mo dapat isipin yan. Baka naman isu-surprise ka nila—“
“No, Rex. Ikaw na mismo nagsabi na...na dad wants you to kill me...diba?” Nanginginig na naman boses niya...
“Ren hindi ko—“
“You know why he’s forcing you to do that—if you’re really FORCED.?” Wow, tagos ah?
“Yeah, piniPILIT niya’ko. Ahh... B-Bakit nga ba..?”
“Kasi hindi ko siya tunay na papa.” Sumeryoso mukha niya... Ngayon ko lang nakita yung mukha niyang ganito. Pero teka! Hindi niya tunay na papa si tito Anton?!
“A-Ano?! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!”
“I’m not...joking...Rex...” Napayuko siya... What the... Totoo ba ‘to?? Kaya nga ba siya pinapapatay ni tito Anton?? Dahil ampon siya?? Pero bakit inampon pa niya si Renren kung papatayin lang din pala niya?!
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill You (LMKY)
RomancePaano pag ang misyon mo ay patayin ang asawa mong ipinakasal sa'yo nang wala sa oras? Would you choose to kill the person dahil hindi mo rin naman siya mahal? Or would you rather not dahil kusa lang din naman siyang mamamatay after a year?