Love or Kill 32: Tournament

1.3K 40 3
                                    

Love or Kill 32: Tournament

 

(Rexodus’ POV):

“Rexodus!!” Sigaw ni coach. Nagbuntung-hininga ako at umayos sa pagtayo.

“P-Po?”

“Anung nangyayari sa’yo?? Yung roundhouse kick mo pumapalya! Yung tornado kick mo sobrang baba na! Bukas na yung tournament, Rexodus! Gusto mo bang magka-blackeye ng isang dangkal??” Inis na sabi ni coach sa’kin habang nakapameywang.

“H-Hindi po... Pasensya na po.” Napakamot ako sa ulo.

“Ano ba’ng bumabagabag sa isipan mo at hindi ka makapagconcentrate gaya ng dati, ha?”

“W-Wala po...”

“Sige magpahinga ka muna. Isipin mo na lahat ng dapat mong isipin para mamaya pagbalik mo makakapagconcentrate ka na.”

“Sige po.” Sagot ko sabay tungo sa bleachers. Kinuha ko yung maliit kong tuwalya tsaka ako padabog na umupo.

*Sigh*

Ba’t nga ba di ako makapagconcentrate gaya ng dati..? Nung mga tournament ko noon hindi naman ako na-iistorbo ng kahit ano sa isip ko kapag nagtre-training ako ah..?

Pinunasan ko pawis ko. Dyahe...

“Hi daddy Rexo!” May tumapik sa balikat ko. Napalingon ako. Si Crow Thana... Isa sa mga stalkers ko. -__- Di ako feeler, totoo talaga.

“Fafa Rexodus!” Lumapit na din si Giselle Ann.

“Kumusta mah’Prince??” At si Ricanor.

“Hey! Hey! Buti you’re here!” At Melanie.

“Oh gosh pawis si daddy!” At Dhey Ann.

“Hello Rexodus!” At panghuli si Ariela Jane.

“Hays. Pwede wag ngayon?” Inirapan ko sila tsaka ako uminom ng tubig.

“Ay ang hot! Ang hot ng ulo.” –Melanie

“Oo nga! Smile naman dyan!” –Giselle Ann

“Pinapanood ka namin kanina, out of focus ka.” Sabi ni Ariela Jane. Tsh.

“So? Ano naman ngayon?” Sagot ko.

“Di ka pa rin ba nakakamove on kay Anette?” Tanong ni Dhey Ann. Problema ng mga ‘to? O.o

“Oo nga, kaya di ka focused.” Dagdag ni Ricanor.

“Anubang problema niyo? Antagal na naming hiwalay. Kayo yata di makapagmove on dyan eh.”

“Eh kasi naman parang wala ka sa self mo ehhh.” Pa-cute na singit ni Crow Thana. Ay?

“So pag wala ako sa self ko siya agad iniisip ko?” Padabog kong ibinaba yung tubig na hawak ko. “Di pwedeng si Virenika muna?” Inirapan ko ulit sila tsaka ako tuluyang umalis. Andami kasing satsat.

...

...

Teka. Anung sinabi ko sa kanila?! O_________O

“Bro!”  Aysh kakaalis ko lang sa mga madadaldal heto na naman.

“Oh Jace?” Si Jace pala.

“Ba’t di ko na nakikita si Nika? Nasan ba siya..?” Naka-taekwondo suit din siya.

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon