Her Side 3

1.9K 52 3
                                    

"Huh?? Dadalhin mo'ko dun??" 

"Oo naman! Ipapakilala kita sa mga friends ko--"

"Ayoko!"

"Bakit?" He stared at me with a wrinkled forehead.

"Ayokong may isipin silang...mali sa'yo..." He stopped at humarap siya sa'kin.

"Anung mali naman iisipin nila? Fiancee kita at kelangang makilala ka na nila agad."

"Think about it." Lumapit ako sa kanya. "Pag nalaman nilang may fiancee ka na with your age, hindi kaya sila maguguluhan nun?"

"Hell I care." Sumimangot siya.

"Wag lang muna ngayon, fiance ko." Hinigit ko braso niya. "We just met yesterday pero ikaw naman sobrang excited na agad. Hehe!"

"Masaya eh. Haaay... Sige na nga, next time na lang. Ano gusto mo kainin??"

"Ice cream--" Napahinto ako...

"Yun lang? Sige tara dadalhin kita sa--"

"Ay hindi na. Wag na lang. Forget it."

"Bakit?" Naglakad na ulit kami.

"B-Basta..."

"Oh sige pasyal na lang tayo..."

"Mabuti pa."

Rexodus was so gentle... Ang bait2 niya sa'kin and same sa iba. He's too innocent at may pagkahyper din. Parang bata! Hehe. Yun, lagi niya akong hinahatid-sundo sa bahay. Dad was glad din kasi hindi ako nahihirapang pakisamahan si Rex. Sobrang close na nga namin eh. Pag hindi niya ako pinapasyal, nasa bahay lang siya at sinasamahan o di kaya'y kinukulit niya ako. Well, hindi naman naaapektuhan studies niya so it's okay with me. He's very cute lalo na pag nagta-tantrums. :D Para tuloy akong walang sakit kasi sobrang normal lang ng pakiramdam ko pag nandyan siya. Pinapangiti niya ako lagi... Hindi ko naman sinasabing TALBUG na si Xander... It's just that... I think I found a great replacement.

Well... Not until almost a month after we're engaged... Bigla na lang siyang hindi na nagpapakita at nagpaparamdam sa'kin... Hindi ko na macontact number niya... Nahihiya naman akong puntahan sina tito at tita... Hindi ko alam kung ano yung problema.

*Riiinnngggg* *Riiiinnnnggg*

I picked up the phone.

"Hello? de Ayala residence."  I answered.

"V-Virenika..." A soft voice...

"R-Rexodus??"

"Can you go to the cafe near your subdivision? May kelangan lang akong sabihin sa'yo. Now..." He said... I felt nervous. Hindi ko alam kung bakit pero parang...nanlalamig ako.

"Yeah sure. Coming." Sagot ko and I hung up the phone.

Pagkadating ko sa cafe, nakita ko naman agad siyang nakaupo na sa corner. I went near him and sat down-- O__O

"R-Rexodus! W-What's wrong?!" He's so pale at may pasa siya under his eyes! 

"Sorry, Nika..." Mahina niyang hinawakan yung kamay ko. Ang lamig2 niya and he's trembling... He looks so weak... O_O

"B-Bakit? A-Anung problema, Rex? Bakit ka may p-pasa? Bakit ang pale mo--are you okay?!" Hinawakan ko pisngi niya.

"Nika... I'm sorry... I lied..." Yumuko siya. L-Lied..? O_O

"A-Anung lied? S-Saan?" My heart beats fast...

 "Kasi... Kasi..."

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon