Love or Kill 8: Stranger's Comfort

1.3K 45 1
                                    

Love or Kill 8: Stranger’s Comfort

(Virenika’s POV):

Kahapon pagkauwi ko, kumain na agad ako at hindi na ako lumabas ng kwarto ko after nun. Natatakot kasi ako kay Rexodus eh. Alam kong iinit na naman ulo niya kaya mabuti na sigurong hindi ako nagpakita sa kanya. Babawi na lang ako ngayon. I ironed his uniform at tapos na rin akong magluto para sa kanya...

*Step Step Step*

Ayan na siya. I know it’s him. Malakas yung footsteps eh.

“Good morning, Rex.” Nakangiti kong bati sa kanya. Honestly I’m trembling...

“...........” As always, ansama ng mukha niya. Hayaan ko na lang yun. I know someday he’ll change—maybe not—but I don’t care.

“Kain ka na, aayusin ko lang—“

“Shut the hell up.” Pwersado niyang sabi sabay bukas ng ref.

“Rex—I... I’m sorry about yesterday.”

*Daaagg!!*

O___O

“Who needs your apology?!” Sigaw niya matapos niyang isara ng malakas yung ref. =’|

“I know hindi mo naman hinihingi but—“

“Peste! Hindi ka ba makaintindi--!”

“Gusto ko lang magsorry kahit di mo hinihingi Rex.” Mahinahon kong sabi habang inaayos yung plato niya. “I know galit ka, not because of what I did yesterday but because of what I did to your life—“

“Alam mo naman pala eh! Ba’t di mo na lang ako tigilang babae ka?!” Ibinaba niya mga kamay niya sa mesa.  “Bakit buhay ko pa pinagtritrippan mong lintek ka!”

O___O

~____~

“Tama na yan, Rex...” Nanginginig kong imik habang nakatingin lang sa mga kamay niyang nakaku-om. “Kumain ka na at baka ma-late ka—“

“Sh*t ka!!” Galit...na galit talaga...siya...

“Alam ko... Sorry.” I...smiled at him. “Sorry talaga. Please tama na... Kain ka na...” Nanginginig mga labi ko but I’m doing my best to remain smiling... Pakatapos kong sabihin yun ay umalis na ako patungong kwarto niya... Aayusin ko pa mga gamit niya bago ako umalis. Every morning na talagang ganito. Pero siya? Wala, hindi pa rin talaga nagpapatalo. Ayaw daw talaga niya yung ginagawa ko. Bahala siya. Hindi ako titigil. Hmp.

“Pssssstttttttt!” *Lingon*

“Niel.”

“Hi! Ansama naman ng mukha mo! Anyare?”

“Oo nga...”

“Oh? Nagsasalita ka na Hazel?” Puna ni Niel kay Hazel.

“Whatever Niel.”

“Teka nga! Hazel nakakadistract ka na ha!” Binunggo ni Niel si Hazel. Ayyy ankulit talaga.

“Oy? Kasalanan ko pa ngayon ha.” Natatawang sagot ni Hazel. Sabi ko nga, nakakahawa si Niel.

“Che! Huy Nika, anung nangyari? Ba’t tulala ka?” Tanong niya sa’kin.

“Wala, wala... I just... Didn’t...get enough sleep.” I smiled fakely.

Love Me, Kill You (LMKY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon