THE NERD SWEET REVENGE
ADRIAN'S POV.
Grabe ako na nga yung nakahanap ng aso niya ako pa nagbigay...
"tsk...! as in wow thank you talaga...kahit salamat lang hindi pa masabi...!" saad ko..."ayyy oo nga pala pareho nga lang pala yung thank you at salamat hehehehe tanga ko talaga...!"patuloy ko habang sapo ko ang aking noo.
habang naglalakad ako may napansin akong batang nagtitinda ng mga rosas kaya pumunta ako sa pwesto niya.
"ahm...bata magkano yang rosas mo...?" tanong ko habang nakaturo sa mga rosas na pula.
"bente pesos lang po kuya...!" sagot naman niya.
"ahhh...sige pabili nga ako ng isa...!" saad ko habang kumukuha ng pera sa wallet ko.
" 'eto po kuya oh...!"abot niya sa bulaklak kaya kinuha ko ito at ibinigay ang bayad..."sorry kuya wala po wala po akong pambarya sa isang libo ehh..."patuloy niya habang hawak-hawak ang pera...
" 'wag kang mag-alala sayo na yan...!"saad ko.
"talaga po...!" paninigurado niya habang abot tenga ang ngiti...kaya tumango nalang ako bilang sagot."yehey...may pambilu narin ako ng gamot ni nanay...!"saad niya habang tumatalon-talon dahil sa tuwa.
nang tapos ko nang bumili ng bulaklak pumunta naman ako sa nagtitinda ng ice cream...
nang matapos na ay humanap ako ng mauupuan at hindi naman ako nahirapan dahil nakakita na kaagad ako kaya pumunta na ako at saka umupo...
sarap talaga tumambay dito sa park para kang walang problema...teka yung bulaklak bakit ako bumili 'nun eh wala naman akong pagbibigyan...
"hayyys...!" napabuntong hininga na lamang ako at saka ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream...
"pwedeng maki-share ng upuan...?" tanong ng kung sino man pero babae ang boses niya.
"mmmm!" tango ko nalang bilang sagot ayaw ko kasing magsalita.
"hayyys...salamat talaga kay adrian at nahanap niya si pitci ko...!" napantig ang tenga ko ng magsalita ang babae at hindi lang yun sinabi niya ang pangalan ko...kaya bahagya kong itinaas ang aking ulo at tiningnan ang aking katabi...
halos malaglag ang mata ko ng masigurado kong siya nga yung babaeng nagsalita kanina...hehehe huli ka ngayon...itinungo ko na lamang muli ang aking ulo paa hindi niya ako mapansin.
"ikaw kase pitchi eh...kung hindi ka lang tumakbo hindi ka sana nawala...kainis ka talaga nakikinig pa ako sa misa nung pari eh...kung hindi lang dahil sa carla na yun ikakasal na sana kaming dalawa...!" patuloy niya...nakunsensya tuloy ako..."baby kapit ka lang sa tyan ni mommy ha...! kahit wala si daddy sa tabi natin nandito naman ako para alagaan ka ng mabuti...!" nagulat ako sa mga sinabi niya.
halos bumagsak ang mundo ko dahil sa mga narinig ko sa kanya...bahagya kong tiningnan ang tiyan ni princess at pinagmasdan ang kabuuan nito...bakit ngayon ko lang napansin na medyo bumubukol na pala yung tiyan niya...
"pri----...!" hindi na natuloy ang pagtawag ko sa kanya dahil bigla nalang siyang nahimatay kaya habang pabagsak siya sa lupa ay gumalaw na ako para saluhin siya...
"princess gumising ka...!" nag-aalalang saad ko sa walang malay niyang katawan.
baka mapaano ang anak namin...kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa binuhat ko na sya at dinala pinakamalapit na hospital dito sa park.
°°°°
PRINCESS POV.
"hayyys...ang sakit ng ulo ko....!" saad ko habang nag-iinat ng katawan."may pasok pa pala ako kailangan ko nang maligo...!"patuloy ko at bumaba na sa kama.
"saan ka pupunta...?" tanong ng kung sino man pero lalaki siya.
"maliligo ano sa tingin mo matutulog nalang buong maghapon...!" sarkastiko kong tanong at dahan-dahang tumingin sa kanya.
"ba't gulat na gulat ka...?" tanong niya sa akin...
"anong ginagawa mo rito sa kwarto ko...?" balik tanong ko sa kanya.
"sa pagkaka-alam ko hospital to...!" saad niya habang nakangisi...kaya bahagya akong napatingin sa buong kwarto at ngayon ko lang napansin na nasa silid pala ako hospital...
"anong ginagawa ko rito bakit ako naparito ha...?anong ginawa mo sa akin...?paano na nalang kung nawala yung ba----...?" naputol yung sasabihin ko nang napunta yung sinasabi ko patungkol sa anak ko...
"bakit hindi mo ituloy...?paano nalang kung ano...?" sarkastiko niyang tanong sa akin.
"dapat mo pa ba talagang malaman kung ano yung tinatago ko...hahahaha manigas ka ....!" saad ko sabay irap...
"Oo...bakit...? bakit ko nga ba hindi kailangan na malaman yung tinatago mo...bakit...?may karapatan naman ako ah...!" saad niya habang tutuk na tutuk sa mga mata ko...
"kahit kailan wala kang karapatan...!" sigaw ko pero hindi lang naman sya nakukuha sa malalim kong tingin.
"may karapatan ako dahil ako ang ama ng dinadala mo...!" sigaw niya rin sa akin at iyon ang salitang binitawan niya na mismong nagpagulat sa akin...
"anong ibig mong sabihin...?" pagsisinungaling ko.
"kahit kailan sinungaling ka talaga princess...sabihin mo nga sa akin...nagalit ka ba dahil dun sa nakita mo kaming naghahalikan ni carla...kaya hindi mo sinabi sa akin na four weeks ka ng buntis...ano sabihin mo...!" sigaw niya.
"Oo masaya ka'na ha...ano masaya ka'na....?" balik sigaw ko sa kanya.habang sinusuntok ko yung dibdib niya.hanggang sa nagunahang tumulo ang aking mga luha.
"noong una palang...!noong una palang tinago mo sa akin ang mga anak ko...noong una pa lang ipinagdamot mo na sila sa akin...!" saad niya.
"nang dahil sa ginawa mong kababuyan sa akin noon...nang dahil dun kaya ko sila ipinagdamot sa isang katulad mo na walang pakialam kundi dumihan ang pagkatao ko...!" saad ko rin habang nakatungo at patuloy na umiiyak.
"kung ano man yung ginawa ko dati sayo...matagal ko na yung pinagsisisihan...sa lahat ng pagkakataon noong ibinalita ng mga magulang mo saakin na pumunta ka sa ibang bansa...hindi ako mapalagay dahil ikaw parin yung hinahanap ng puso't isip ko...!" saad niya at napansin ko nalang na tumutulo narin pala yung luha niya..."nagawa ko lang ang bagay na yun dahil sinabi nila sa akin na kapag hindi ako nakipaghiwalay sayo papatayin nila ang magulang ko...!"nagulat nalang ako dahil sa mga paliwanag niya.
"sino ang nagsabi sayo...?" mariin kong tanong sa kanya...
"ang black demons...!"
___________________________________
PLEASE VOTE AND COMMENT!!!!
BINABASA MO ANG
the nerd sweet revenge
Actionhindi mo malalaman ang isang pag-ibig kung wala kang kapareho pero bakit ganon kapag natagpuan mo na sya sobrang daming pagsubok ang naghihintay sayo.pero sabi nga nila "hindi man nageexist ang salitang forever .But you may find someone will stay by...