Para 'kong batang excited na umupo sa designated seat ko na malapit sa bintana. Ganito pala ang feeling makaupo sa upuan ng eroplano ibang-iba sa upuan ng bus at kotse. Dahil don nilabas ko na ang bagong bili 'kong Instax! Para mag-selfie!
Matagal ko ng gustong magkaroon ng instax palagi lang akong pinipigilan ni Jake na bumili nun. Saan ko naman daw kase iyon gagamitin? May camera naman daw ang cellphone ko.
Ako kase mas naa-appreciate ko 'yong mga ganitong camera. Iyong pag-click mo palang may lalabas ng litrato. Feeling ko sa oras na lumabas na 'yong litrato, 'yon din ang oras na naitala na nangyari 'yon sa buhay mo. By the picture itself. At mas memorable siya, pwede mo pang ilagay sa isang photo album at balik-balikan kung kelan mo gusto.
Habang inaayos ko ang instax ko may umupo na din sa tabi ko. Laking gulat ko... Iyong lalaking nakita ko kanina na naka-shades sa may Departure Area siya rin 'yon makakatabi ko ngayon!
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Baka dahil sa nagulat lang ako ng sobra. Napaka-coincidence naman kase.
At hindi nga ako nagkakamali, mabango siya! Ang bango niya!
Iyong amoy na parang nakakabuhay ng pagkababae ko. Ano ba iniisip ko?
Tama na, Lian! Para kang manyak!"Oh my god!" ang nasambit ko kung anu-ano na lang kase pumapasok sa isip ko!
"Yes ma'am?" tanong ng flight attendant sa 'kin.
Nagulat ako nang pansinin ako ng flight attendant.
"Ahh.." napatingin ako sa lalaking katabi ko. Prenteng nakasandal sa upuan at parang natutulog siya kahit na may shades. Mabuti na lang!"Ah, water please? Thank you!" palusot ko.
"Okay, Ma'am." at umalis na ito.
Agad na dumating ang ni-request kong tubig ininom ko 'yon kahit hindi ako nauuhaw kase nakakahiya naman kay Ate girl nag-effort pa naman siyang dalhan ako ng tubig.Maya-maya nagsabi na ang piloto na ready to take-off na daw ang eroplano at manatili lang daw na nakaupo kaso nararamdaman ko puputok na ang pantog ko. Ihing-ihi na ko!
Tiniis ko muna kaso naglilikot lang ako sa puwesto ko. Medyo nahihiya pa naman akong magkikilos sa kinauupuan ko dahil baka magising etong katabi ko.
Pero hindi ko na talaga kaya,eh!
Dahan-dahan akong tumayo, kaya lang nakakaisang hakbang pa lang at nasa tapat ako ng natutulog na lalaking ito nang biglang bumulusok sa paglipad ang eroplano. At hindi ko na nabalanse ang katawan ko."Ahhh!!!!!" sigaw nong lalaking katabi ko.
Napatingin lahat ng pasahero sa amin. Agaw atensyon naman kase ang reaksyon niya. Hiyang-hiya talaga ako!
At hindi ko matanggap ang hitsura namin ngayon. Napa-upo ako sa hita ng lalaking 'to. As in nakakandong ako!
Sa dami ng pwedeng mangyari bakit ganito pa?
Bakit kase hindi ko na lang tiniis,eh?! Bwisit na pantog 'to napaka-wrong timing!
Sigurado na natamaan ko ang pinagkakaingatan ng isang lalaki kaya naman napasigaw na lang siya sa sakit. Ano na? Anong gagawin ko?
"Miss, hindi ka pa ba tatayo?" naiiritang tanong niya pero parang dumaan lang sa kabilang tenga ko ang boses niya.
Natulala kase ako sa kaniya. Natanggal kase ang shades niya dahil siguro sa pagbagsak ko sa kaniya kanina. Kaya ngayon kitang-kita ko na ng buo ang mukha ng lalaking ito.
Kaya pala siya pamilyar sa 'kin dahil nakita ko na siya. Siya si Jillian Martin!
OMG! Siya nga hindi ako pwedeng magkamali!
Kasalukuyan akong nasa kandungan nang isang sikat na Heartthrob. Siguradong masasabunutan ako ng mga babaeng fans nito isama na rin natin ang mga bakla, dahil sa katangahan ko!
"Miss, bingi ka ba? Sabi ko hindi ka pa ba tatayo? O d'yan ka na lang buong flight?" antipakong tanong niya.
"Pasensya na hindi ko sinasadya." ang nasabi ko na lang.
Tinulungan ako ng isang flight attendant na tumayo. At agad namang inayos ni Jillian ang sarili niya at isinuot ulit ang shades niya at bumalik na ulit sa pagtulog.
Pagpasok ko ng CR, halos maglupasay na 'ko dahil sa sobrang inis.
Napaka-epic ng araw na 'to!
Hayyy, buhay!Pagbalik ko siniguro kong hinding hindi na 'ko matutumba sa kaniya dahil kumapit na talaga ako ng mahigpit sa sandalan ng upuan at nakahinga na ako ng maluwag nang makaupo na ako sa upuan ko. Tapos nakaramdam ako ng antok. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nakatulog na nga ako sa buong biyahe.
~•~
Matiwasay akong nakarating sa hotel na tutuluyan ko. Napakalaki at napaka elegante ng disenyo ng lobby. Hindi ako makapaniwala na mararanasan kong mag-stay sa ganitong kagandang hotel. May bellboy pa na tumulong sa'kin sa pagbuhat ng bagahe ko. Sosyal ang lola mo!
Nang makuha ko na ang electronic key card ko para sa kwarto, excited akong pumasok ng elevator kasama ang bellboy bitbit ang bagahe ko.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko nang marating namin ang kwarto.
Nong mag-isa na 'ko, nagtitili ako sa sobrang tuwa na nandoon na 'ko. Napakalaki nong kwarto parang isang buong bahay na kase may sala pa ito at kitchen. Sa CR naman may Jacuzzi pa. Grabe talaga ang ganda ng hotel na 'to!Pagsilip ko naman sa 'bedroom' isinalampak ko ang sarili ko sa malambot nilang kama. Napakalambot. Ang sarap matulog. Pero hindi naman ako pumunta dito para matulog kaya tumayo ako at binuksan ang pinto ng terrace at nilanghap ang sariwang hangin. Mula doon tanaw na tanaw ko ang napakagandang tanawin na likha ng Diyos.
Mabuti na lang may maganda pa ring naidulot ang 'ex' ko sa 'kin, kung naging gastugera ako noon baka wala ako ngayon dito.
Pwede ko na siguro kantahin ang kanta ni Ariana Grande na 'Thank You, Next'.
Tama, Thank You, Next lang Lian!
Lalaki lang 'yan. Kung hindi ka nila kayang gawing 'Prinsesa'. Gawin mong 'Reyna' ang sarili mo!
Nice motivation.Siguro eto na talaga ang simula ng pagmo-move-on ko. Thank You, Lord!

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...