Naghanap kami ng nagtitinda ng mga inihaw na pagkain na gusto ko. At dahil sa hindi pwedeng makilala si Jillian, pinagsuot ko siya ng cap at shades kahit gabi na.
Napakarami namin binili, at kinakain namin 'yon habang naglalakad sa kalsada.
"I never had a date like this, before." aniya.
"Date ba 'to? Kumakain lang naman tayo!" kumento ko
"Hindi pa ba? But I consider it, it was a date."
"Hindi rin. Depende sa taong yayayain, di ba?" tutol ko sa sinabi niya.
"Eh, asawa naman kita. So, this is a date!" hirit pa niya.
"Wait, nag-base ako sa kung ano talaga tayo. Kaya iniisip ko na, hindi ito date!" syempre hindi ako magpapatalo!
Ningisihan lang niya ako.
"Sige na, panalo ka na!" sabi niya, habang kumakain."May tanong pa 'ko..."
"Ano 'yon?"
"Anong naramdaman mo 'nong nagkita kayo ni Sarah, nong nasa restaurant tayo?" seryosong tanong ko sa kaniya.
"Wala naman. I guess, nakamove-on na 'ko sa kaniya." sagot niya.
"Ahh.."
"Bakit mo natanong?"
"Wala! Curious lang ako. Uhm... Next question tayo!"
"Ano?"
Mukhang game na game kang makipag-Q and A, ah.
"Masaya ka ba ngayon sa buhay mo kahit na kumplikado?" Gustong gusto kong marinig ang kasagutan niya sa tanong na ito.
"Oo naman. May Celestine ako. At nae-enjoy ko naman ang pagiging asawa mo kahit na walang SEX LIFE!" in-emphasize pa niya ang mga huling dalawang salita!
"Ano!" medyo OA ang reaksyon ko. Nakakagulat naman kase. Napanganga ako. "Ang tino mo talagang kausap!" naiinis kong turan sa kaniya.
Ginu-good time na naman ako nito!
Tinawanan lang ako nito. "Matino naman ang sagot ko,ah! Bakit ka nagagalit? E di ba, 'yong totoong mag-asawa may GANUN!"
Talagang pinagtatanggol pa niya ang kaniyang sarili.
"Alam ko!"
"Alam mo naman pala! H'wag ka nang masungit..." sabi niya nama'y kasamang lambing. "Bilib nga ako sa 'yo, kase kung 'yong ibang babae nagpapakasasa sa katawan ko. Tapos ikaw, balewala lang sa 'yo!"
'Yong totoo, compliment ba 'yon?
Napasulyap ako ng bahagya sa katawan niya at iniwas ko din agad ang tingin ko. Kung alam lang niya na napakatagal ko nang nagtitimping angkinin ang katawan niya. But, i know my limitations!
"Siyempre, hindi naman kase ako oportunista. Pero kung sakaling naging fan girl mo 'ko, baka ikaw na ang sumuko sa kama!" at binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. Ngiting may kasamang pagnanasa. Pero trip-trip lang 'yon!
Napangiti ito. Tila may iniisip. Tumigil ito sa paglalakad
"I-try kaya natin mamaya?" He is trying seduce me.Napalingon ako dahil naiwanan ko siya sa paglalakad. "Pasensiya ka na pero hindi mo 'ko fan! Kaya maghanap ka na lang nang babaeng magpapaligaya sa 'yo!" naiinis na talaga ako!
"Bakit ko naman gagawin 'yon? May asawa naman ako!"
Inakbayan niya ako at pinisil-pisil niya ang balikat ko. Napatingin ako sa kamay niyang 'yon. He is acting rude right now. And i can't handle his rudeness.
"Ahhh!" reaksiyon niya. Tapos, napahawak siya sikmura niya. Dahil siniko ko lang naman siya! "Ba't mo ginawa 'yon?! Ang sakit, ah!" galit na galit niyang tanong sa akin. Ngayo'y halos mamilipit siya sa sakit.
"Ang bastos mo kasi!" sagot ko.
"Binibiro ka lang! Napakapikonin mo!"
"Tara na umuwi na tayo!" yaya ko sa kaniya.
Nakayuko siyang naglalakad dahil siguro'y sobrang sakit nang nagawa ko sa kaniya. Sana okay lang siya...
Nag-aalala tuloy ako sa kaniya.~•~
Pag-uwi namin, hindi niya pa rin ako iniimik. Galit yata siya sa akin. Dire-diretso itong umakyat sa taas para tumungo sa kwarto. Nang biglang naalala ko na andito nga pala si Tita Isabel. Dahil ito ang nagbantay kay Celestine habang wala kami ni Jillian.
Sinundan ko siya hanggang sa may taas, kaya lang pinagsarhan niya lang ako ng pinto bago pa man ako makapasok.
"Andito pa naman si Tita..." sabi ko sa sarili ko.
Pumasok ako sa kuwarto ko nang nakasimangot. Dahil nagsisisi ako sa nagawa ko sa kaniya. Hindi tuloy ako makatulog, kase iniisip ko siya. Gusto ko sanang mag-sorry kaya lang baka tulog na siya.
Nagbukas na lang ako ng cellphone at tinignan ko account ko sa isang social media. Mainit na usapin ngayon ang pelikula nina Jillian. Magaganda naman ang mga feedback ng mga taong nakanood na at natutuwa naman ako.
Nakita ko rin ang mga pictures ng mga pumuntang artista. Hanggang sa makita ko ang picture naming dalawa. Hindi ko maiwasang ma-curious sa laman ng comment section nang litrato namin kaya napa-click ako.
Napakasimple talaga nang kagandahan ng babaeng ito hindi nakakasawa! Kaya hindi na 'ko magtatakang pinakasalan siya kaagad ni Jillian!
Napangiti naman ako sa sinabi nang isang netizen na 'yon, napusuan ko tuloy ang comment niya. Nag-scroll-up ulit ako para makabasa pa ng ibang comments.
Maraming magagandang comments, kaya lang meron ding below-the-belt na.
Ano kaya ang pinakain n'yang babae na 'yan kay Jillian? Ni-wala pa nga siya sa kalingkingan ni Sarah!
Saraillian's pa rin ako!
I'm sure, maghihiwalay din ang mga 'yan!
Siguradong pinikot niya lang si Jillian.
Alam ko ang mga tipo ni Jillian!Halos madurog ang puso ko sa mga nabasa ko. In-off ko na lang ang cellphone ko sa sobrang inis sa war-freak na fans ni Jillian. Akala mo naman kung sinong perpekto!
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nanikip kase ang dibdib ko sa mga nabasa ko. Hindi ko naman sila pwedeng patulan dahil baka masira ang pangalan ni Jillian nang dahil sa akin. Kaya tanging tubig na lang ang sagot sa naninikip kong dibdib.
Kinuha ko ang babasaging pitsel sa ref na naglalaman ng tubig. Nagsalin ako ng tubig sa hawak kong baso saka uminom at ibinalik ko ulit sa ref ang pitsel. Pagsara ko ng Ref, nakaramdam ako nang kakaiba. Tila kase nakakarinig ako nang mahinang paghinga, mula sa aking likuran.
Hindi pa naman ako nagbukas ng ilaw dito sa kusina. Kaya ang agad na gumapang ang takot sa katawan ko. Nanginginig 'kong nilapag ang baso sa katabing lababo. At dahan-dahang lumingon sa likuran ko.
Pagharap ko'y nakita ko Jillian na nakatayo sa tapat ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siya, akala ko kase multo na ang nasa likod ko.
"Jillian---"Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang angkinin ang labi ko. Halik na mapusok, napakariin, at parang may kasamang galit. Napasandal ako sa Ref dahil napaatras ako doon. Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makawala sa yakap niya.
Hanggang sa magkaroon ako ng lakas na itulak siya. Binigyan ko siya ng napakalakas na sampal sa kaniyang mukha. Hingal na hingal kaming pareho. At kapwa tulala.
Wala na akong nasabi pa sa kaniya. Tama na siguro ang ginawa ko sa kaniya, kaya umalis na ako sa harapan niya.
"Ngayon, alam mo na ang totoong pambabastos." napahinto ako sa pag-alis nang marinig ko siyang magsalita. Ibig sabihin, kaya niya ginawa 'yon ay para gantihan ako.
Hindi ako makapaniwala. Akala ko iba siya sa lahat nang lalaking nakilala ko, pero hindi pala. Wala siyang pinagkaiba sa babaerong ex-boyfriend ko, parehas lang silang makikitid ang utak!

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
Roman d'amourWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...