9: The Result

75 2 0
                                        

Kinabukasan pumunta kami sa isang
private clinic. Ipapa- DNA test ni Jillian ang bata at ipapa-check-up na rin para malaman namin kung malusog ba ang bata. Nagbayad ng malaking halaga si Jillian sa espesyalistang susuri ng DNA nila para makuha agad ang resulta, sa pamamagitan na lamang ng E-mail. At binilinan niya rin ang mga staff ng Clinic, na ilihim ang pagpunta namin dito.

Pagkagaling sa clinic, umuwi kaagad kami. At ako naman ay umuwi muna sa bahay para kumuha ng damit, nangako rin ako na babalik ako para tulungan siya ulit mag-alaga ng bata.

Gabi nang makabalik ako sa bahay ni Jillian, nakatulog kase ako dahil sa puyat kami kakaalaga ng bata. Bago ako pumunta rito, bumili ako ng grilled chicken para sa hapunan namin. Dahil siguradong hindi pa kumakain si Jillian.

Habang naghahain ako ng pagkain sa mesa, si Jillian naman ay nanonood ng balita sa TV habang karga ang bata. Tulog naman ang bata kaso ayaw niyang ihiga ito dahil baka magising daw.

"Spotted! Jillian Martin may asawa at anak na!" sabi ng babaeng reporter sa TV. Nagkatinginan kaming dalawa.

Lumitaw sa screen ng TV ang picture naming tatlo kanina palabas ng clinic at ang pagsakay sa kotse. Kuha daw iyon ng isang netizen. Parang hindi kapani-paniwala, napakalinaw kase ng litrato.

Kung simpleng tao lang ang kumuha ng litrato, siguradong camera lang sa cellphone ang gagamitin nun. Dahil kung susuriin, tingin ko high-end na camera ang ginamit nang kumuha ng litrato naming tatlo.

Baka naman may bumubuntot na reporter sa kaniya?
Hindi malabo. Hindi malabong mangyari 'yon dahil artista siya.

Halata sa mukha ni Jillian ang pagkainis. Pagkatapos nun ay pinatay na niya ang TV gamit ang remote control. "Mauna ka nang kumain." sabi niya. Nababalot ng kalungkutan ang mga mata niya.

Pumanhik na sila sa taas.
Kawawang Jillian.
Hindi pa nga natatapos ang problema niya sa bata pero eto na naman may panibagong problema na naman. And worst, nadamay pa 'ko!

Napakalaking kontrobersyal nitong nasangkot ko. Akala ng mga tao ako ang ina ng bata!

Trending sa social media ang picture naming tatlo. Hindi na ko nagbasa pa ng comments dahil siguradong mas marami pa ang mga bash comments kaysa sa magagandang kumento. Napakahirap matulog ngayong gabi. Napakarami ko kasing iniisip.

~•~

Ilang araw pa ang lumipas. Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Jillian. Nagpadala na nang DNA test result through e-mail ang clinic, kung saan nagpa- DNA test ang mag-ama.

Pansin kong nangangatog ang daliri niya na nakatapat sa enter key ng keyboard ng laptop. Kinakabahan siguro siya. Kaya hinayaan ko lang muna siya mag-ipon ng lakas ng loob para buksan ang DNA test result na 'yon.

Paggising ko ng umaga, naabutan ko si Jillian sa may sala na nag-i-internet sa laptop niya. Habang ang bata ay nakahiga sa tabi niya. Napansin kong gumigilid ang mga luha sa mata niya.
Bakit kaya?

"Lian..." sambit niya.

Ang tagal niyang magsalita ulit, nag-aalala na ako.
"Bakit Jillian? Anong problema?" tanong ko.

"The baby is mine!"
Binuksan na pala niya ang resulta ng DNA test result nila ng bata. At sa sobrang tuwa niya napayakap siya sa akin.

Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon pero niyakap ko na lang din siya. Ramdam na ramdam ko ang saya sa dibdib niya. Hindi ko tuloy maiwasang maluha sa saya, para sa kanila ng anak niya.

"Congrats! Tatay ka na!" bati ko sa kaniya. Halos mapunit na ang bibig ko sa laki ng ngiti ko

"Yeah. I know." tuwang-tuwa niyang sagot sa akin.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon