Nagising akong nakayakap kay Jillian at nakaunan sa bisig niya. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng ganito kagandang umaga!
Sinilip ko siya, tamang-tama tulog pa siya. May pagkakataon pa akong yakapin siya ng matagal. Aaminin ko, na-miss ko siya. Hindi ko alam kung bakit. Kaya ngayon e-enjoy-in ko ang moment na 'to, matagal-tagal din kase siyang nawala.
Bigla siyang nag-iinat-inat. Nagising ko yata sa higpit ng yakap ko. Nagtulog-tulugan kaagad ako. Tinignan niya ang mukha ko, tsini-check niya siguro kung gising na ko o tulog pa.
Nahihiya akong magpakita sa kaniya ng gising. Kase hanggang ngayon ay nakayakap pa rin ako sa kaniya. Baka kase tuksuhin na naman niya ako!
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko sa bewang niya at pati na rin ang kamay niya sa ulunan ko. Tapos, dahan-dahan niya akong nilagyan ng unan sa ulo. At tuluyan na siyang bumangon. Bago siya umalis ay kinumutan niya ako. Habang ako naman ay nagpapanggap pa ring tulog.
Napansin kong hinugot niya ang drawer ng side table. May inilabas siyang maliit na kahon na hugis parihaba na kulay itim. May ribbon pang kulay gold at may greeting card ang kahon. Nilagay niya iyon sa tabi ng lampshade. At lumabas na siya ng kuwarto.
Paglabas niya ng kwarto agad kong nilapitan ang kahon sa may lampshade.
"Ano kaya 'to?"Binasa ko agad ang greeting card at nakalagay don na para sa akin ang laman ng kahon na 'yon!
Na-excite naman akong buksan 'yon. Inalog-alog ko muna. Kung tama ang hula ko, kwintas ang laman ng kahon. Sweet din pala ang taong 'to may parega-regalo pa siyang nalalaman!
Binuksan ko na ang kahon. At tumambad sa akin ang isang silver necklace. Heart-shaped diamond ang pendant nito. Halatang mamahalin dahil sa kalidad nito.
Sinuot ko na agad ang kwintas para naman matuwa si Jillian kapag nakita niyang nasa leeg ko na ang regalo nya.
~•~
Bago ako bumaba ng kwarto ay nag-ayos ako. Nagsuot ako ng bistida na babagay sa kwintas ko. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang bumababa ng hagdan. Natanaw ko kaagad sila sa may dining area, nag-aalmusal na silang mag-ina.
"Good Morning, Ma!" malambing kong bati kay Tita Isabel, pagkaupo ko.
"Good Morning, hija." tugon ni Tita.
"Sa 'yo din, Jillian and Baby!" pahabol ko. Kasalukuyang karga niya ang bata dahil dumedede ito ng gatas.
Pasimple kong hinipo ang pendant ng kwintas ko para mapansin ni Jillian na suot ko na ang kwintas na regalo niya, pagkatapos ay inilagay ko ang buhok ko sa likod. Mukhang napansin naman niya dahil ngumiti ito.
"Ang ganda-ganda mo ngayon, hija. Saan ang lakad mo?" tanong ni Tita.
Abot tenga ang ngiti ko sa natanggap kong papuri. Naitago ko tuloy ang buhok ko sa likod nang aking tenga.
"Thank you, Ma! Actually, hindi naman po ako aalis. Dito lang ako sa bahay." nakangiting tugon ko sa katanungan ni Tita Isabel. Nagsimula na rin akong kumain ng pancake."Mabuti naman at nakakangiti ka na ngayon, hija." sabi ni Tita sa akin. "Alam mo ba Jillian noong wala ka, laging nakasimangot ang asawa mo!" pagsusumbong niya.
"Nami-miss niya lang ako siguro, Ma." wika ni Jillian. Sabay ngiti sa akin.
Nabilaukan ako sa sinabi ni Jillian.
"Okay ka lang, Hija?" pag-aalala ni Tita Isabel.Napainom na lang ako ng tubig.
"Opo, Ma!""Dahan-dahan lang kase sa pagkain, Mahal ko!" sabi ni Jillian. Nagpa-cute pa ito, pagkasabi nang 'Mahal ko'.
Ang baduy ng naisip niyang Endearment!
Binigyan ko na lamang siya ng pekeng ngiti. Nang-aasar na naman kase siya.
"Mukhang na-miss niyo talaga ang isa't-isa. Bakit hindi kayo magbakasyon?" suhestiyon ni Tita Isabel. "Matagal-tagal ka kasing nawala, Hijo. Dapat makabawi ka sa asawa't anak mo."
"Tamang-tama hindi pa kami nakakapag- Honeymoon." sabay sulyap sa akin at may nakakalokong ngiti.
Honeymoon?
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi ni Jillian. Pinagtri-trip-an na naman niya ako.
"Ikaw talaga, Mahal! Okay lang kahit hindi na tayo mag-honeymoon. Baka mamaya masundan agad natin si Celestine, mahirap na!" sabi ko."Mahaallll, kahit isang DOSENA pa ang magiging anak natin. Okay lang, gagawin ko naman ang lahat para mabigyan kayo ng magandang buhay." tirada niya.
Napipilitan akong ngumiti sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya nasasabi ang mga bagay na 'yon!
"Hija, don't worry kung lalaki ang pamilya niyo. As long as bunga iyon ng pagmamahalan n'yo." pagsasang-ayon ni Tita Isabel sa anak niya.
Napangiwi ako at tumango na lang ako. Ikinain ko na lang ang pagiging stress ko sa mag-ina na 'to!
At biglang may pumasok na ideya sa isip ko. "Alam ko na, Mahal! Doon na lang tayo mag-bakasyon sa probinsiya namin? Nami-miss ko na kase si Mama at ang mga kamag-anakan namin." hiling ko sa kaniya. Ginaya ko siya, nagpa-cute rin ako para pumayag siya. Sana umepekto naman sa kaniya.
"Oo nga! Naalala ko, na niyayaya ako doon ni Balae. Maganda raw doon, Hijo!" magiliw na singit ni Tita Isabel.
Yes! Dalawa na kami na may gustong pumunta doon!
"Okay! Kung saan ka masaya, Mahal ko. It's fine with me!"

BINABASA MO ANG
Unexpectedly
RomanceWhat if, a broken-hearted woman meets the Heartthrob? ***** Nang matapos ang eight years relationship ni Lian sa boyfriend niya, Lian went to Cebu to start a new life and she starte...