6: Drunk With You

68 2 0
                                        

"Alam mo ba lahat... lahat binigay ko na sa kaniya! Wala na ngang natira sa 'kin! Tapos nagawa pa niyang ipagpalit ako?" tuluyang tumulo ang luha sa aking mga mata. "Hindi naman ako panget di ba?" tanong ko kay Jillian habang umiiyak.

Iba na ang tama ng alak sa 'kin. Ganun pala kapag napapasobra sa alak parang makakalimutan mo na ang salitang 'kahihiyan'.

Umiling naman si Jillian sa tanong ko kaso 'yong hitsura niya parang hindi sigurado sa sagot niya. Napag-kwentuhan kase namin ni Jillian ang mga tungkol sa mga 'Ex' namin kaya ganun na lang ako ka-emosyonal.

"Pasalamat nga siya kahit hindi siya kagwapuhan sinagot ko siya nong nanliligaw pa lang siya!" patuloy ko pa. "Sandali papakita ko sa'yo 'yong picture nong kutong-lupa na 'yon!"

Nagkalkal ako sa sling bag ko at sa secret pocket nun may litrato don. Picture ng ex-boyfriend ko hindi ko tinatapon hindi ko pa kase kayang itapon kaya nasa bag ko lang.
"Eto, oh!" inilapit ko pa sa mukha ni Jillian 'yong picture para makita niya ng malapitan. "Di ba, hindi naman siya kagwapuhan pero nakukuha pang mambabae!" galit na galit akong nakatingin sa litratong 'yon. At hindi ko napigilan ang sarili ko na sirain 'yon!

"Lian, stop!" sabi ni Jillian pero wala na sira na 'yong picture.

"Bakit ba!" tanong ko na pasigaw.

"Hindi naman yan 'yong picture ng 'Ex' mo,e! Key Card mo 'yan!" bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Key Card?" napakuno't noo ako paanong naging electronic key card ang isang picture!

Tiningnan ko ulit iyon at sinuri sa abot ng makakaya ko dahil nahihilo na talaga ako.
"Oo nga, 'noh? Eto 'yong key card ko sa hotel!" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko. Sa isang iglap nawala ang amats ko!

Key card nga 'yong sinira ko. "Pa'no nangyari 'yon? Kanina kase nakita ko 'yong mukha ng 'Ex' ko dito!"
Ganito pala malasing?
Nagha-hallucinate!

Wala na kame nagawa sira na 'yong electronic key card ko hindi na ako makakapasok sa kwarto ko. Pa'no na ang mga gamit ko?

~•~

Agad na ni-report ng receptionist sa Hotel Manager ang nangyare sa pagsira ko sa key card. Nagpatawag na din ito ng maintenance para baklasin ang door knob ng pinto dahil wala na silang duplicate ng key card nang kwartong 'yon.

Maya-maya kinausap na kame ng Hotel Manager, babae siya siguro nasa fourty's na ang edad. At kasalukuyang nasa lobby kame ng hotel. Nakuha ko na rin sa wakas ang gamit ko.

"I'm sorry, Ma'am nakainom po kase ako kanina akala ko picture 'yan ng Ex ko kaya pinunit ko. Pero hindi ko po talaga sinasadya 'yon." paliwanag ko, kulang na lang lumuhod ako.

"I'm Sorry, Ma'am. But that is not excuse. Kailangan niyo pong bayaran ang damages pagkatapos nun ay kailangan niyo na rin mag-check-out sa hotel namin." sabi nong Hotel Manager.

"Sandali!" singit ni Jillian. "Babayaran na nga niya ang damages, magche-check-out pa siya sa Hotel?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ba pwedeng ilipat na lang siya ng ibang kwarto?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Hindi pwede, Sir. Iyon kase ang policy ng Hotel. Lalo na't malaki ang halaga ng mga na damage ni Ma'am." paliwanag nito.

"Pero gabi na! Hahayaan mo na lang ba na magpagala-gala sa labas ang isang babae para maghanap ng Hotel?" galit na galit na si Jillian. Tumataas na kase ang boses niya.

"Jillian, tama na. Wala naman tayong magagawa di ba? Policy nila yan." sabi ko. Sabay hawak sa braso niya.

"Okay!" huminga muna ng malalim si Jillian. Hindi man lang ako pinansin.

"Pa'no kung doon siya mag-stay sa room ko?" tanong niya.

Nagulat ako sa narinig ko, magse-share kame ng room?
"Wala naman sigurong masama. Customer nyo pa rin ako, gagawin ko ang gusto ko. And I will make sure if something happens, I am accountable. Mark my word." patuloy pa ni Jillian.

Oh my gosh! 'yong mga titig ni Jillian sa Manager akala mo siya 'yong Presidente ng Pilipinas na nag-uutos.
"Okay Sir, I am deal with it. Kaya lang hihingi kame ng karagdagang charges----"

"It's fine with me!" putol ni Jillian sa babae. "Let's Go, Lian magpahinga na tayo."

Nagulat ako nang biglang kunin ni Jillian ang bagahe ko at hinawakan ang kamay ko. At walang paapaalam sa Hotel Manager, nilayasan namin sila doon sa Lobby.

~•~

Nasa tapat na kame ng elevator pero hawak pa rin ni Jillian ang kamay ko. Napatingin ako doon. Matagal-tagal na walang gumagawa sa 'kin ng ganun. Medyo nakakapanibago. Pansin ko ang lambot ng kamay niya halatang hindi nagta-trabaho ng mabibigat ang mga kamay niya.

Nandito na kaming dalawa sa kwarto niya. Kamukha lang din ng kwarto ko. Umupo ako sa sofa. At medyo nagi-guilty pa rin ako sa nangyare.
"Doon ka na lang matulog sa kama. D'yan na lang ako sa couch." sabi niya.

Bakit napaka-gentleman niya? Weakness ko pa naman 'yon.

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to,e."

"Andito ka para mag-enjoy hindi para ma-stress. Hayaan mo na."

He was worried about me. Bakit kaya?
'Di kaya type niya 'ko?

"Ikaw bahala. Pero hindi ako makakapayag na ako 'yong matutulog sa kama mo. Ako na nga 'tong nakikituloy, ako pa 'yong bibigyan mo ng maayos na tulugan." nakaka-konsensiya kase.

"Mas gusto 'kong ako ang nahihirapan. Kaya sa kama ka na lang matulog."
Huh???

"Excuse me, maliligo lang ako." paalam niya. Umakma na siyang papasok sa banyo kaya lang may gusto pa akong sabihin.

"Sandali." pigil ko sa kaniya.

"Ano 'yon?"

"Salamat nga pala."

Tumango lang siya at tuluyan na siyang pumasok sa banyo.

Bakit parang ang bait-bait naman niya yata? Hindi ba kadalasan ang mga poging katulad niya ay Bad boy? Pero siya iba. Gwapo na, mabait pa! Kaya siguro maraming humahanga sa kaniya kase napakabuti niyang tao.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon